08/09/2025
TINGNAN: Nagwagi at pinarangalan ang Puerto Galera ng Philippine Tourism Excellence Award for Dive Destination sa katatapos lamang na 1st Philippine Tourism Awards, 2025β2027, ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng Department of Tourism (DOT), The Grand Ballroom, Okada Manila, September 8, 2025.
Tinanggap ni Vice Mayor Rocky D. Ilagan ang parangal kasama si Municipal Tourism Operations Officer, Mary Christine Ibon. Bukod sa pagkakahirang bilang finalist, nakamit rin ng Puerto Galera ang prestihiyosong gantimpala bilang pagkilala sa natatanging likas na yaman at world-class diving experience.
Bilang bahagi ng parangal, kasama na ngayon ang Puerto Galera sa lahat ng international dive destination shows nang libre, na magbubukas ng mas malawak na oportunidad upang maipakilala ang ganda ng bayan sa pandaigdigang entablado.
Ang pagkilalang ito ay patunay lamang na ang Puerto Galera ang βDiving Capital of the Philippines.β
Ayon kay Vice Mayor Ilagan, ang tagumpay na ito ay hindi lamang karangalan para sa Puerto Galera, at magbubukas ito ng marami pang oportunidad sa bayan.
Ngayon, patuloy ang kampanya ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Robinhood D. Ylagan, upang mas maipakita at maipakilala sa Pilipinas at sa buong mundo ang taglay na ganda ng bayan lalong higit sa mga dive sites at iba pang mga tourist attractions.