27/08/2026
Sa pagtatapos ng buwan ng Agosto 2026, makakasama natin ang dalawang Pinay powerlifters na sina JANE ERASMO at LYRA SILVANO na naghakot ng gold medals sa 2026 World Sub-Junior and Junior Powerlifting Championships na ginaganap sa kasalukuyan sa South Africa. Kilalanin natin sila, alamin natin kung paano sila nagsimula at nahilig sa sport na ito, anu ano na ang kanilang mga nasalihan at napanalunan na mga tournaments at ano ang kanilang mga plano sa hinaharap.
Samahan ninyo kami ngayong Sabado, August 29, sa ganap ng alas 5 ng hapon. Mapapanood ninyo kami sa Sports Radio 918Khz page, Sports Lockdown page at group at mapapakinggan ninyo kami ng live sa 918Khz sa inyong AM band.
Hosted ito nila Monty Mendigoria at Friday Garma.
Kita-kits! 😀