06/01/2022
Nice Game mga Lods!
Upang pormal po naming tapusin itong Zumarraga MLBB Amateur League para sa taon na ito, nais po naming pasalamatan ang lahat ng tao na nasa likod ng tournament na ito, mga tao na sumuporta at naging pundasyon ng tournament upang maging matagumpay ang lahat ng aming pinaghirapan kahit po hindi ang lahat ay naging ayon sa plano o perpekto.
Unang-una, nais naming pasalamatan lahat ng mga taong nanood at sumabaybay sa aming tournament, mga taong sumuporta sa aming page na patuloy na ibinahagi sa iba ang aming mga anunsyo at sinuportahan ang aming mga players maraming salamat sa inyo!
Pangalawa po syempre ang ating mga magagaling na players na nakilahok sa aming tournament, dahil kung wala kayo, wala kami, kahit po hindi lahat ay pinalad na manalo alam po nating lahat na marami naman tayong nakuha at natutunan tungo sa tournament na ito, napatunayan agad ninyong lahat ang iyong lakas sa paglalaro ng Mobile Legends.
Sunod ay ang aming Local Government Unit at Zumarraga PNP, sa pagpayag na maisagawa namin ang lahat na ito na may sapat na pag obserba sa mga health protocols upang maging ligtas ang lahat. At kay Mr. Milfred Anquilo dahil sa kaniyang pakikipag ugnayan sa amin.
Maraming salamat din po sa ating Mayor and Vice-mayor dahil sa kanila ring pag-apruba na matuloy ang tournament.
Sa ating SK Federation President, Mr. Arlan Versoza na naging punot-dulo at haligi ng tournament na ito, sa kaniyang pagkabukas-palad sa pagsponsor sa premyo ng mga panalo.
At mas maraming salamat syempre sa ating committee, sa kanilang pagiging produktibo at matatag tungo sa tournament, na kahit ay nakakapagod at nakakaubos na ng pasensya ay pinili pa rin magpatuloy. Ang committee na binubuo ng magagaling na players ng BUAD QUANTICA, kasama ang mga mag-aaral na kapwa ml player din na sina Mr. Bruce Raphael Versoza (Photographer) and Mr. Chuck Cabarliza (Layout Editor).
Panghuli, sa ating Panginoon. Sa kaniyang kabaitan sa pagbibigay sa amin ng pagkakataon at patnubay upang makamit ang aming layunin at maging matagumpay sa tournament na ito.
This is the ZUM M.A.L. Committee, now signing off.
Thanks ulit mga lods! Hanggang sa ating susunod na laban mga kaibigan.
Jan.1-3 2022