11/04/2025
WHAT A SUCCESSFUL EVENT!
First of all, pinapasalamatan po namin ang Sanguniang barangay na binubuo ng minamahal nating kapitan, Leoncio “Onie” Fajardo at Sanguniang Kabataan na binubuo ni Sk chairman Gina bawit, sa walang sawang suporta at pagtulong sa aming palaro.
Sa Leviste Family, kay Boss Joel Leviste at kanyang may bahay Marites Leviste. Maraming salamat po sa walang sawang pagtulong, pagpapagamit ng ilaw, at tulong Financial.
Sa mga players na nakilahok sa aming palaro, maraming salamat po sa inyong kooperasyon disiplina at sportsmanship na inyong pinakita sa laro. Lubos kaming humahanga sa inyong pinakita talento at kagalingan sa larangan ng basketball. Nawa’y maging inspirasyon ito sa inyo para mas galingan pa sa mga susunod ninyong laro. Rooting for you guys, Palagi niyong gagalingan!.
Sa minamahal nating volunteers, mga referee Mike aidriane at jd barcenas na pinamumunuan ni Former SK SD Martin, at lalong lalo na sa mga committee na pinangungunahan ni Levy Malla, malaking pasasalamat para sa pag punan ng mga gawain hanggang dulo para sa ikakaganda ng ating palaro.
Sa mga kagawad, konsehal, mayor, mga tumulong at nagbigay ng donation hindi napo namin kayo iisa isahin upang mapunan ang mga kakulangan sa aming palaro. Maraming maraming salamat po.
Muli, Maraming salamat po sa inyong lahat, hanggang sa muli po nating palaro!.