22/08/2026
Mahal naming mga atleta at mga magulang/guardian ng Track and Field,
Nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong walang sawang suporta, dedikasyon, at tiwala sa amin. Ang inyong pagsisikap sa bawat training at kumpetisyon ay tunay na kahanga-hanga.
Sa ating paglalakbay, lagi nating tatandaan na ang pagkapanalo ay bunga ng ating paghihirap, ngunit ang pagkatalo naman ay isang mahalagang aral na nagtuturo sa atin kung paano maging mas matatag. Ang mahalaga ay ang ating pagbangon at ang mga aral na baon natin para sa susunod na laban.
Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming koponan!