16/08/2024
Two years after magpalit ng administration, may nakikita akong changes. I am not into politics pero aliw ako kay BBM. Isang reason eh itong 8888 Citizens' Complaint Hotline. Bale second dispute na ang naidulog ko dito and parehong naaksyunan kaagad. Una, yung sa Shopee ko and then yung complaint ko about sa pagka-forfeit ng aking cash assistance para sa last July 5 payout.
Para sa mga kabarangay natin, napakadali pong gawan ng solusyon ang mga reklamo nyo. Dumirekta po agad kayo sa Office of the President, dial 8888 lang. Kung gusto nyo namang documented ang reklamo nyo tulad ng ginagawa ko ay mag-email sa [email protected] (op means Office of the President). Mas maganda kung i-cc nyo ang concerned Department Secretary para mabilis ang aksyon. Tulad nga ng latest reklamo ko sa MSWD, naresolba nila in 24 hours.
Bukas po ang 8888 24/7. Kahit anong reklamo nyo, sila na ang bahalang magdirect nito sa concerned department. Kung may mga salot na poultry, mga darubong officials, unfair na BHW nyo, mga palakasan, IREKLAMO NYO. Ang maganda dito ay may option kayo na "anonymous" ang reklamo nyo kung gusto nyo. Yung mga nananamantala sa 4PS at TUPAD, ireklamo nyo.
BNKG Foods, Sports, Education, Travels & Environment
Bahay ni Kuya G - BNKG