31/05/2026
History was made!
To the Tuguegarao Futsal Team,
History was truly made niyo sa Palarong Pambansa!
Hindi naging madali ang lahat. Behind every game ay sobrang daming oras na inilaan sa training, disiplina, sakripisyo, at mga hirap na hindi naman nakikita ng marami. Maraming challenges, pagkatalo, at pagkakataon na pwedeng-pwede na kayong sumuko but you chose to keep going, lumaban pa rin, at nanatiling naniniwala sa inyong sarili at sa isa’t isa. This bronze medal is so much more than just an award. Ito ay simbolo ng inyong katatagan, determinasyon, pagkakaisa bilang isang koponan, at totoong pagmamahal sa laro. Every drop of sweat, bawat sakripisyo, at lahat ng effort na ibinigay ninyo ang nagdala sa inyo sa makasaysayang tagumpay na ito.
Maraming salamat sa pagdadala ng karangalan at matinding pride sa buong Tuguegarao City/Cagayan. Naging inspirasyon kayo sa mga kabataang atleta ipinakita ninyo na dapat mangarap nang mataas, magsikap nang husto, at maniwala na ang tiyaga at dedikasyon ay may magandang kapalit.
Ang medalyang ito ay hindi lang basta panalo isang malaking tagumpay ito at patunay na ang mga atletang Tuguegaraoeño/Cagayano ay kayang makipagsabayan at magtagumpay sa pinakamataas na antas ng kompetisyon.
To our dedicated coach and chaperon, Sir Amiel Carag and Ma’am Marie Grace dela Cruz,
Walang makakatumbas sa lahat ng sakripisyo na ginawa niyo para sa mga bata. Ang lahat ng ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong gabay, pagmamahal, at walang sawang suporta sa kanila. Kayo ang tunay na lakas at inspirasyon sa likod ng tagumpay na ito. Maraming salamat po!
And to our dedicated players:
VINA DOCA
RONALYN GUMABAY
MICHY MADDARA
DEVINE PARALLAG
STRELL BACCAY
JOANNE LUMAUAN
ZYANNIS SIMEON
ANGELA CARILLO
MICHAN SORACE
RIZA ANDREA BASSIG
RICA BACCAY
RABIAH TABBU
LOVIE TUPPIL
MYLA FRANCISCO
Kayo ang nagpatunay na ang galing at puso ng bawat Tuguegaraoeño/Cagayano ay kayang umabot sa tuktok. Ang pangalan ninyo ay nakaukit na sa ating kasaysayan!
WE UNITED CAGAYANOS FOOTBALL CLUB (UCFC) AND UNITED CAGAYANOS FOOTBALL ASSOCIATION (UCFA) IS SO PROUD OF YOU.
Congratulations, Tuguegarao Futsal Team! 🎉🏆
Sobrang proud ang buong Tuguegarao, ang ating probinsya ng Cagayan, at buong Region 2 sa inyong tagumpay. Ang inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon ay nagbunga at naging inspirasyon sa marami.
Remember, this is just the beginning. Mas marami pang opportunities, bigger challenges, at even greater victories ang naghihintay sa inyo. Keep striving for excellence and continue carrying the pride and honor of Tuguegarao City/Cagayan wherever you go.
Keep making us proud! Mabuhay ang Tuguegarao Futsal Team! Patuloy kayong mag-shine, mag-inspire, at magbigay ng karangalan sa ating lungsod, probinsya, at buong Rehiyon Dos. The best is yet to come! 💙💛❤️💚✨👏🏽🏅