18/06/2026
🦟 ANTI-DENGUE CLEAN-UP DRIVE 🦟
Bilang paghahanda sa ating Anti-Dengue Activity, inaanyayahan po ang lahat ng mamamayan ng Barangay Bantug na makiisa sa sabayang paglilinis ng ating mga tahanan at paligid bukas, Biyernes, June 19, 2026.
Schedule din po ng pagpapa-spray ng ANTI-DENGUE ay sa June 20, 2026 araw ng SABADO. Sa mga nais pong magpa spray sa kanilang bakuran ay maari din pong magpa-spray.
Linisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok tulad ng mga lumang gulong, bote, lata, at iba pang lalagyan ng naipong tubig.
Sama-sama nating sugpuin ang dengue at panatilihing malinis at ligtas ang ating komunidad.
✅ Malinis na bakuran
✅ Walang naipong tubig
✅ Ligtas na pamilya
Makilahok at makiisa para sa isang Dengue-Free na Barangay Bantug!