29/05/2026
Ganito din ba ginagawa mo?
Nung bago pa ako tinatambakan ko 'din ng mga products posts, checke, quotes at kung ano-ano ang FB ko
Nakakagigil kasi eh, tapos parang ang sarap sa feeling dahil motivated ka
Ang akala ko, para magka-resulta ay mag-post lang nang mag-post.
Mali pala.
Hindi porket marami kang post, effective na agad.
Kabaligtaran, walang nag eengage, walang pumapansin at lalo lang sila lumalayo.
Hanggang sa may napanood ako na video na sabi: "kung gusto mong madaming sumali wag ka magpost ng mga ganito"
Naa-realize ko mali pala ginagawa ko, kaya inaral ko kung ano talaga ang tamang gawin.
At noong in-apply ko ang mga natutunan ko, doon nagsimula ang sunod-sunod na resulta.
Kaya kung ito rin ang nararanasan mo ngayon, ang totoong problema ay hindi ang dami ng posts mo.
Ang problema ay ang strategy.
Kahit isa o dalawang post lang bawat linggo, kung strategic at tama ang mensahe mo, doon ka magkakaroon ng resulta.
Tandaan mo...
Hindi ka binabayaran base sa dami ng posts mo.
Kikita ka lang kapag may bagong sign-ups at may sumasali sa organization mo.
So kung ganito rin ang ginagawa mo...
Puro product pictures, hype posts, company events, achievements ng upline, o motivational quotes...
Para sa akin, hindi content ang ginagawa mo.
Para ka lang nag-iingay sa social media.
Kumbaga, digital noise lang.
So ang tanong...
Anong content ang magpapahinto sa prospect mo para makinig sila sa'yo?
Eto ang mga tips na maibibigay ko sa'yo:
#1 Talk about their problems
Halimbawa:
"Bakit maraming tao ang masipag pero hindi pa rin umaasenso?"
#2 Ipakita mo ang solution sa problema nila
Halimbawa:
"Step-by-step guide kung paano magsimula ng online business kahit busy sa trabaho."
Dito ka nagkakaroon ng authority.
#3 Show proof na gumagana
Hindi mo kailangang mag-flex.
Magbigay ka lang ng ebidensya na nakakatulong talaga ang offer mo.
Bago ka mag-post, tanungin mo muna ang sarili mo:
"Kung ako ang prospect, may dahilan ba para huminto ako at basahin ito?" 🤔
Kung wala...
Kahit mag-post ka pa ng 1,000 beses, pareho pa rin ang magiging resulta.
Consistent ka nga, pero inuulit-ulit mo lang ang bagay na hindi naman gumagana.
So start learning the right way para di ka nagsasayang ng effor at oras mo.
------------------------------------------
P.S. Kung gusto mo ng ready-made sales funnel para hindi mo na kailangang habol nang habol ng prospects at post nang post araw-araw, i-click mo lang eto: https://www.marvinalamo.com/funnels