29/08/2026
CONGRATULATIONS, NU! 🔥
Hindi naging hadlang sa National University (NU) Bulldogs ang maagang pagkadapa sa kamay ng defending champions De La Salle University (DLSU) Aces sa Group Stage matapos silang bumwelta sa Grand Finals ng 2026 UAAP Mobile Legends: Bang Bang, 2-1.
Pinangunahan ni Finals MVP Johann “Estacio” Estacio ang puwersa ng Bulldogs matapos magpakawala ng isang mapaminsalang Maniac sa Game 1 at matagumpay na makuha ang mga objectives sa Game 3.
Nagliyab muli ang tunggalian ng dalawang bigating koponan sa isang emosyonal na Finals rematch nang muli silang magkaharap matapos ang makapigil-hiningang tapatan nila sa huling edisyon ng UAAP noong isang taon, kung saan nanaig ang Aces matapos baliktarin ang serye, 2-1, upang paamuhin ang Bulldogs at ang madla sa Araneta.
Matatandaang naging kampeon din ang NU Bulldogs sa nagdaang MSL Collegiate Cup (MCC) Season 2 matapos nilang lapain ang FAITH Colleges, 4-1, sa Finals noong July 3, 2025, sa MOA Music Hall.