17/07/2023
Hindi ako magagaliting tao pero while driving last Saturday, inis na inis talaga ako.
Ewan ko ba, good mood naman just minutes ago kasi kakatapos ko lang mag-talk sa isang team sa Sun Life and it went really well. All out, full out talaga ako. And my audience loved the learning session.
Alam mo kung ano yung nangyari?
Nung bumaba na yung energy, nung mag-isa na lang ako, at tahimik na sa car, bigla kong naramdaman yung pagod. As in feeling ko drained na ako.
What’s worse, I started judging myself.
Ayan commit ka kasi nang commit, tignan mo lagi kang puyat. Nagkakasakit ka pa. Nung nagkasakit ka, marami ka ring tasks na hindi natapos diba.
This was the conversation in my head. I began to feel upset… and eventually angry. Towards myself.
Pero buti na lang I caught myself doing this. Sabi ko ooops kalma lang. Stop this narrative. Alam ko na kasi yung nangyayari at hindi maganda pag nagtuloy-tuloy pa.
So I told myself ‘AJ, tama na muna ang judgments. Step into curiosity.’
A little background: natutunan ko ang mental model na ito, itong curiosity. Basically instead of riding on the heightened emotions, I would detach myself from the situation and practice being curious. Parang ganito:
‘AJ, curious lang, bakit ka kaya naiinis ngayon? Ano kayang pinagmumulan nito? Curious lang, itong tumatakbo story in your head, totoo ba talaga sila lahat? Ilan dyan naimbento or naimagine mo na lang?’
And with this, I would instantly calm down. It dispels the raging emotions. Para syang bridge that helps me to transition to the vibration that I want.
So back in the car, dun ko na-realize na may sliver pa ng unforgiveness at bigyan ko lang ng panahon. Also napi-pressure pala ako kasi at 7pm meron pa akong isang speaking engagement. Pero this time gets ko na yung root cause kaya ko nang ma-address.
Ang galing, no? May mga ganito palang mind tools that you can use to improve your way of thinking… of leading your life.
Keep flowing,
Coach AJ