26/04/2026
Lubos po kaming nagpapahayag ng aming taos-pusong pasasalamat sa inyong marangal na pagdalo at maagap na pagtugon sa aming paanyaya para sa pormal na pagsisimula ng palaro para sa mga kabataan ng Mauling Creek Area 2. Ang inyong presensya at pakikiisa ay naging mahalagang ambag sa matagumpay na pagsasakatuparan ng gawaing ito.
Taos-puso rin po naming kinikilala at pinahahalagahan ang inyong mahalagang oras, patuloy na suporta, at dedikasyon sa pagtataguyod ng mga programang nagbibigay inspirasyon, saya, at positibong karanasan sa ating mga kabataan. Nawaโy magsilbi itong daan upang higit pang mapagtibay ang ating pagkakaisa at maipagpatuloy ang mga inisyatibong may makabuluhang layunin para sa ating komunidad.
Higit sa lahat, aming taus-pusong ipinapaabot ang pasasalamat sa mga iginagalang nating lingkod-bayan na naglaan ng kanilang panahon at pakikiisaโkina Alvin Cruz, Kag. Denong Adriano, at Kag. Lek Padilla; gayundin sa ating SK Chairwoman na si Hon. June Lyn Alumbre Tabanao at sa ating dating Kagawad na si Kag. Alvar Cruz. Pinahahalagahan din po namin ang pakikiisa ng inaasahang susunod na Kagawad na si Kag. Derrick Remigio. Ang inyong suporta at pakikiisa ay patuloy na nagbibigay lakas at inspirasyon upang maisulong ang mga programang nakatuon sa kapakanan at kinabukasan ng ating kabataan.
Muli, aming taos-pusong pasasalamat at mabuhay ang ating nagkakaisang komunidad.