22/05/2026
ππ
MEDAL REVEAL
CABIAO 10 MILER RUN 2026
Hindi lang ito basta medalya.
Hindi lang ito simpleng gantimpala sa pagtawid sa finish line.
Ang medalya na ito ay kumakatawan sa kwento, kultura, at tibay ng bayan ng Cabiao. Makikita sa disenyo nito ang simbolo ng βKabyawan,β ang tradisyunal na panngkatas ng tubo na naging bahagi ng kasaysayan, kabuhayan, at araw araw na pamumuhay ng mga taga Cabiao noon. Isa itong simbolo ng kasipagan, pagpupursige, at lakas ng mga tunay na Kabyawenyo.
Tulad ng tubo na kailangang dumaan sa matinding proseso bago makuha ang pinakamatamis na katas, bawat runner din ay daraan sa pagod, sakit ng katawan, puyat sa ensayo, at matinding hamon ng daan bago makamit ang tagumpay sa finish line.
Kaya ang medalya na ito ay hindi lang alaala ng isang karera. Isa itong simbolo ng laban na tinapos mo, sakripisyong pinagdaanan mo, at tapang na ipinakita mo hanggang dulo.
Bawat detalye nito ay may kahulugan.
Bawat guhit ay may kwento.
At bawat finisher ay magiging bahagi ng kasaysayan ng Cabiao 10 Miler Run 2026.
Isang karangalan ang maiuwi ang medalya na ito.
Dahil hindi lahat ay may lakas ng loob tapusin ang laban.
π
August 1, 2026