13/04/2026
🏅 MEDAL MONDAY: Run Calabarzon Trilogy 2026 (1st Leg)
Unang hakbang para sa inaasam na Trilogy! Isang malaking pagbati sa lahat ng nakatapos sa First Leg ng Run Calabarzon Trilogy 2026! Hindi lang ito basta takbo ito ay pagpapakita ng tatag, disiplina, at pagmamahal sa ating rehiyon. Mula sa mga patag hanggang sa mga mapanghamong ruta, pinatunayan ninyo na handa kayo para sa Series na ito!
Espesyal na pagkilala ang ating ibinibigay kay Jodel Santos Eleferia sa kanyang kamangha-manghang performance! 🥉
Sa matinding bakbakan sa kalsada, nasungkit niya ang 3rd Place sa 10K Category! Ang iyong dedikasyon at bilis ay tunay na kahanga-hanga. Saludo kami sa iyong podium finish! 👏🙌