04/10/2026
First of all, gusto ko po magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa tournament na ito. Hindi ko po inaasahan na sobrang daming players ang magjo join at susuporta sa event na ito.
Sa bawat players na sumali sa tournament na ito, hindi ko na po kayo maiisa isa, pero ang masasabi ko lang ay sobrang thank you sa inyong lahat. Sobra kong na appreciate na nagbigay kayo ng oras, effort, at presence para sa event na ito. Hindi niyo po alam kung gaano kalaking bagay sa akin na nandito kayo at nakisaya at nakisupport.
Sa mga pickleball clubs na nag join, Picklelicious, Everyday Pickle, Palumpalo, Pickle Monkeys, AA DinkZone, WPC, BPC, TPC, Urban Rally, Pickle Patio, at sa mga clubs na iba pa, maraming maraming salamat sa inyong lahat. Sobrang saya ko po na nakita ko kung paano nagkaisa ang ibaโt ibang clubs para sa isang event na para sa akin.
Sa mga nag organize ng tournament na ito, Ate Rhenz, Ate Ice, Ate Nikki, Kuya Biel, at Kuya Jon, maraming maraming salamat sa efforts niyo para mabuo ang tournament na ito. Alam kong hindi madali ang mag organize ng isang event, lalo na kung ganito karami ang players at kailangan ng maraming preparation. Sobra kong na appreciate lahat ng oras, effort, at pagod na inilaan niyo.
And sa mga nag sponsor, Iced Design and Prints, AA Dink Zone, Umbrella Corporate Giveaways, Backdoor Manila, SM Subway, at Court Zero, maraming maraming salamat po sa support at tulong niyo para maging possible ang tournament na ito.
And kay Ate Terrene, Tita Ambel, at Tito Celso, maraming salamat po sa pagtulong niyo sa akin noong day na naaksidente ako. Hindi ko po makakalimutan yung mga taong nandiyan para sa akin noong time na kailangan ko talaga ng tulong.
Share ko lang din po sa inyo yung story kung paano nabuo ang tournament na ito. Haha.
Days after ko maaksidente, si Ate Rhenz nag message kay Eiyla na magpa open play for a cause. Then dumating po yung day na nagkasama sama sa isang open play ang Picklelicious and Everyday Pickle. Nagulat na lang ako kasi yung open play na plano, biglang naging tournament!
Nakita ko na lang sa mga group chats, may picture na ako na nakasaklay at naka wheelchair, tapos may poster na ng tournament. Hahaha! ๐
Kaya honestly, hindi ko talaga ine expect na ganito karaming players ang magjo join at susuporta sa event na ito.
After ko maaksidente, ang daming nag alala, ang daming nangumusta, ang daming nalungkot sa nangyari, at ang daming gustong tumulong.
Sabi ko nga kay Eiyla, โAndami palang nagmamahal sa akin.โ โค๏ธ
At talagang ramdam na ramdam ko po yung pag aalala at pagmamahal sa akin ng buong pickleball community at ng mga friends ko.
Then eto na yung day ng tournament.
Nung nakita ko lahat ng players, lahat ng nag organize, lahat ng clubs na nag join, doon ko talaga na realize kung gaano kalaki yung effort na ginawa niyo para sa akin.
Sobrang na appreciate ko po ang bawat presence niyo. Yung pagpunta niyo, paglalaro niyo, pagtulong niyo, at kahit yung simpleng pag support niyo, lahat po iyon may meaning sa akin.
Sa panahon na hindi ako makapaglaro at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik sa court, kayo yung nag remind sa akin na hindi pala ako nag iisa.
Kaya mula sa puso ko, maraming maraming salamat sa inyong lahat. โค๏ธ
And lastly, gusto ko lang i congratulate ang lahat ng winners sa Menโs and Womenโs category ๐ฅ๐ฅ๐ฅ
Congratulations sa inyong lahat! Deserve niyo ang bawat panalo ๐ป
Thank you for making this day something that I will always remember.
Hindi ko man po kayang masuklian lahat ng ginawa niyo para sa akin, dadalhin ko po sa puso ko ang bawat effort, bawat message, bawat tulong, at bawat presence ninyo.
Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. โค๏ธ
From: Coach P ๐ฅ
P.S. Weโll upload the Google Drive link once all the photos have been edited and uploaded. Stay tuned! ๐๐ธ