PINOY Combat Sports TV

PINOY Combat Sports TV COMBAT SPORTS & BOXING VIDEOS I FIGHT REVIEWS & INTERVIEWS I SPORTS NEWS & RECAPS

https://www.facebook.com/share/18vYRDvw8X/?mibextid=wwXIfr
11/06/2026

https://www.facebook.com/share/18vYRDvw8X/?mibextid=wwXIfr

JUST IN: PACMAN TO THE RESCUE! 🇵🇭🙏

Currently in the United States, Filipino boxing icon Manny Pacquiao is once again stepping up when it matters most, as he will expedite his return to the Philippines to help those affected by the 7.2-magnitude earthquake in Mindanao.

Pacquiao is expected to assist relief efforts and provide support to communities impacted by the powerful quake.

https://www.facebook.com/share/18kBCmxuz4/?mibextid=wwXIfr
11/06/2026

https://www.facebook.com/share/18kBCmxuz4/?mibextid=wwXIfr

Alam mo ba? Noong 1978 pa ang huling pagkakataon na may isang Cordilleran fighter na lumaban para sa isang world boxing title. Ito ay ang Igorot boxing legend at dating OPBF Super Featherweight Champion na si Rey Tam.

Taglay ang undefeated record na 22 panalo, 1 tabla, at 12 knockouts (ayon sa broadcast ng laban ay unbeaten sa loob ng 25 fights), si Tam ang noo'y WBC No. 4 contender sa Super Featherweight Division nang hamunin niya ang defending WBC World Super Featherweight Champion na si Alexis Arguello noong Abril 29, 1978 sa Inglewood, California.

Ngunit naging komplikado ang kanyang paglalakbay patungo sa pinakamalaking laban ng kanyang karera. Noong panahong iyon, hindi ganoon kadali ang pagbiyahe palabas ng bansa, at nahirapan ang kanyang kampo sa pagproseso ng mga kinakailangang dokumento. Dahil dito, mismong araw na ng laban lamang siya nakarating sa Amerika. Pagsapit ng laban nang gabing iyon, dala pa rin niya ang pagod mula sa mahabang biyahe at jet lag, mga salik na nakaapekto sa kanyang kondisyon at paghahanda. Hindi rin umano niya nagustuhan ang paraan ng pagre-referee sa laban, kaya sa kalagitnaan ng ikalimang round, sa kabila ng hindi naman siya nakaranas ng knockdown, nagpasiya siyang huwag nang magpatuloy.

Ayon kay Tam, bago pa man niya makaharap si Arguello, mayroon na siyang mga natalong kalaban na sa tingin niya ay mas malakas pa kaysa sa Nicaraguan champion.

Makalipas ang ilang taon, sinubukan umano ni Arguello na puntahan si Tam sa Benguet upang personal na magbigay ng souvenir bilang pag-alala sa kanilang laban. May mga haka-haka na maaaring dala ito ng konsensya, dahil marami ang naniniwalang hindi nasa pinakamainam na kondisyon si Tam nang sila ay magharap. Yun nga lang ay hindi sila nagkita dahil wala si Tam noon sa kanilang lugar. Ang nakadaupang-palad lamang ni Arguello ay ang kapatid ni Tam.

Hanggang sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagkokonsidera kay Rey Tam bilang greatest Cordilleran boxer. Nagretiro siya sa record na 36-9-1, 14 KOs.


https://www.facebook.com/share/1BB1ewbA4k/?mibextid=wwXIfr
01/05/2026

https://www.facebook.com/share/1BB1ewbA4k/?mibextid=wwXIfr

PALDO, PAG NAKASILAT

Malaking kita ang naghihintay sa mga mananayang tataya kay Junto Nakatani kung magagawa niyang talunin si Naoya Inoue sa May 2. Ayon sa kasalukuyang Money Line odds, nasa x4.05 si Nakatani habang x1.20 naman si Inoue.


Address

Santa Rosa
4026

Telephone

+639171275651

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PINOY Combat Sports TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to PINOY Combat Sports TV:

Share