21/04/2026
🙏
PANALANGIN PARA SA BAYAN NG KALAYAAN, LAGUNA 🙏🔥
Aming Poong Maykapal,
Sa oras na ito ng pagsubok dulot ng patuloy na forest fire sa kabundukan ng Kalayaan, kami po ay buong pusong dumudulog sa Inyo.
Ipinagkakatiwala namin sa Inyong mapagpalang kamay ang kaligtasan ng aming mga kababayan, lalo na ang mga bumbero at mga boluntaryong patuloy na nagsisikap na maapula ang sunog.
Pagkalooban Mo po sila ng lakas, tibay ng loob, at sapat na karunungan sa kanilang ginagampanang tungkulin.
Aming dalangin ang agarang paghupa ng apoy upang maiwasan ang mas malawak na pinsala sa kalikasan at kabuhayan ng aming mga mamamayan. Nawa’y patuloy Mong balutin ng Iyong gabay at proteksyon ang buong bayan ng Kalayaan.
Sa gitna ng panganib, Ikaw po ang aming kanlungan at pag-asa.
Ito po ang aming panalangin.
Amen. ✨🙏