04/04/2026
Maraming salamat, BST Familia! 🙏💙🏀
From the bottom of our hearts, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa bawat isa na naging parte ng journey na ito sa mga players, magulang, supporters, at sa buong BST community.
Hindi naging madali ang bawat laban, bawat training, at bawat sakripisyo. Pero dahil sa inyong walang sawang suporta, tiwala, at pagmamahal sa laro, patuloy tayong lumalaban at bumabangon.
Sa aming mga players, saludo kami sa inyong effort, disiplina, at puso sa paglalaro. Panalo man o talo, ipinakita ninyo ang tunay na kahulugan ng pagiging BST—may puso, may tapang, at hindi sumusuko.
Sa mga magulang at supporters, maraming salamat sa oras, tiwala, at suporta na walang kapalit. Kayo ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit patuloy kaming lumalakas bilang isang pamilya.
This is more than just basketball—ito ay samahan, pamilya, at pangarap na sabay-sabay nating binubuo.
Maraming maraming salamat, BST Familia! Tuloy lang tayo—Trust The Process, Nothing To Lose! 💪🔥🏀
Special mention :
Maraming salamat po! 🙏🏀❤️
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Kabataan, Sangguniang Barangay, ng Brgy.DUHAT SCL at lalong-lalo na po kay Kap. Jessielito A Kamatoy sa pagbibigay ng pahintulot at oportunidad na magamit ang inyong basketball court/venue.
Malaking bagay po ito para sa aming training camp at sa buong komunidad, lalo na sa mga kabataan na patuloy na nahuhubog hindi lang sa larangan ng basketball kundi pati sa disiplina, teamwork, at magandang samahan.
Dahil sa inyong suporta at malasakit, nagiging posible ang mga programa at aktibidad na nagbibigay inspirasyon sa susunod na henerasyon.
Hindi po namin ito makakamit kung wala ang inyong tulong at tiwala.
Muli, mula sa puso ng buong BST Familia,
maraming maraming salamat po! 🙌💙🏀
Thank u po mam Faye Estayo Mirasol
(Also added pics venues/basketball gym for the past weekends).