Aguilar CUP

Aguilar CUP Liga para sa inyo

Bilang bahagi ng kanilang premyo, isinama namin ang Season 3 Mythical 5 sa panonood ng PBA game. Nakasama rin ang Season...
02/08/2026

Bilang bahagi ng kanilang premyo, isinama namin ang Season 3 Mythical 5 sa panonood ng PBA game. Nakasama rin ang Season 3 Best Coach, ilang players ng Woodhills, at ang kanilang Team Manager na si Peter Paul Carlos.

Isang magandang karanasan ito para sa ating mga batang atleta na mapanood nang live ang kanilang mga iniidolo. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa nilang pagbutihin ang kanilang talento sa basketball.

Maraming salamat din kay Bryan Ponce ng PBA sa kanyang patuloy na suporta sa Aguilar Cup.

Mythical 5:
Shin Manacsa - Woodhills
Chris Nava - Woodhills
Ariel Awit - Southville Extension
Christian Glindo - Southville Extension
Niño Taboso - Adelina 1A
Best Coach - Edz Quiamco Woodhills




Ang Aguilar Cup ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa ating liga. Hindi magiging matagumpay ang palarong i...
28/07/2026

Ang Aguilar Cup ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa ating liga. Hindi magiging matagumpay ang palarong ito kung wala ang ating mga sponsors, supporters, mga manlalaro, at mga sitio na patuloy na nakikiisa at nagtitiwala sa ating programa.

Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Diyos sa Kanyang patnubay at sa ligtas na pagsisimula at pagtatapos ng ating liga.

Maraming salamat sa inyong walang sawang suporta. Magkita-kita tayong muli sa susunod na taon para sa mas malaki, mas masaya, at mas kapana-panabik na Aguilar Cup! 🦅🏀

Aguilar Cup Season 3 Winners 🏆
Champion - Team Woodhills Primo🏆
1st Runner Up - Team Southville Extension
2nd Runner Up - Team Adelina 1A
Season 3 Finals MVP - JT Orna
Season 3 MVP - Niño Taboso Adelina 1A
Mythical 5:
Shin Manacsa - Woodhills
Chris Nava - Woodhills
Ariel Awit - Southville Extension
Christian Glindo - Southville Extension
Niño Taboso - Adelina 1A
Best Coach - Edz Quiamco Woodhills




25/07/2026

Quality Basketball. 🦅

AnunsyoDahil sa nagbabadyang pag-ulan, ang ating Do-or-Die Match ay gaganapin sa Holiday Homes Covered Court sa halip na...
25/07/2026

Anunsyo

Dahil sa nagbabadyang pag-ulan, ang ating Do-or-Die Match ay gaganapin sa Holiday Homes Covered Court sa halip na sa Plaza. Ang pagbabagong ito ay ginawa upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga manlalaro, opisyal, at manonood.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at kooperasyon. Magkita-kita tayo sa Holiday Homes Covered Court!




Congratulations, Holiday Homes at Upper Quezon!Mula sa isang simpleng kahilingan na magkaroon ng pagkakataong makalaro, ...
22/07/2026

Congratulations, Holiday Homes at Upper Quezon!

Mula sa isang simpleng kahilingan na magkaroon ng pagkakataong makalaro, naging matagumpay ang 36+ Masters Division dahil sa inyong ipinakitang husay, disiplina, at sportsmanship.

Dahil dito, opisyal nang magiging bahagi ng taunang Aguilar Cup Tournament ang 36+ Masters. Maraming salamat sa pagbibigay ng inspirasyon at pagpapatunay na ang basketball ay walang pinipiling edad, basta may pagmamahal sa laro at respeto sa kapwa. 🦅🏀

First ever 36+ Masters
Champions: Holiday Homes
1st Runner Up: Upper Quezon



21/07/2026

Hindi nagpatinag ang Southville Extension at naitabla ang serye, kaya tuloy ang Do-or-Die Game 3!

Mas lalo pang uminit ang laban para sa kampeonato ng Aguilar Cup Season 3. 🦅

Team Woodhills o Team Southville Extension—sino ang inyong susuportahan?

Mahalaga ang bawat tagasuporta dahil kayo ang nagbibigay ng lakas sa inyong mga ka-sitio. Magkita-kita tayo sa Game 3 ngayong Sabado! 🔥🏀




19/07/2026

BANG! Manacsa rises up and buries a game-tying triple at the buzzer! We're headed to OVERTIME! 🔥




Sa Aguilar Cup lahat panalo! 🦅
19/07/2026

Sa Aguilar Cup lahat panalo! 🦅



Manood, Mag-groupie at Manalo! 📸🤳🤩
4 ang maaring manalo mula sa ating live audience mamaya ng Php 500!

Paano?
1. Manood kasama ng tropa o pamilya ng live sa Venue ng Championship Game;
2. I-Follow ang ating FB Page at i-share angLive Stream ng Game;
3.Mag-groupie at ipost sa inyong Facebook Account, mag caption at gamitin ang ,

Kaya ano pang iniintay mo? tawagin na sila at manood ng live ng Aguilar CUP Season 3 Championship Game! 🔥🏀




Address

San Antonio
San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aguilar CUP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category