16/07/2023
‼️SAN AGUSTIN‼️
Para sa mga nag tatanong po kung ano ano yung mga requirements,kailan ang start, hanggang kailan ang pasahan ng line up at iba pa.
Requirements both basketball and volleyball:
- pinaka importante po ay lehitimong naka tira sa san agustin.
Tanong: dapat po ba botante sa san agustin? Hindi po kailangan na botante ng san agustin para makasali, Basta po lehitimong naka tira dito sa san agustin kahit po hindi naka rehistro sa ating brgy. Maaari pong makapag laro.
-Pero if sya po ay taga san agustin pero hindi po sya dito naka tira, hindi po sya maaaring makapag laro.
-Mahigpit din pong pinagbabawal yung naka census lang po sa ating brgy pero hindi po dito nakatira and mag lalaro po (Matic talo/Disqualified)
-Ito po ay handog ng TEAM OGIE/ TEAM JERO para po sa ikasasaya hindi lang po ng kabataan kundi para sa ikasasaya ng lahat. Ito po ay laro laro lamang, sumunod nalang po tayong lahat para hindi po tayo magka problema
Tanong: Hanggang kailan po ang pasahan ng line up both basketball and volleyball?
-hanggang july 21,2023 (friday) po kami tatanggap ng magpapasa ng line up both basketball and volleyball dahil magkakaroon po ng meeting sa weekend. Inuulit ko po, tayo po ay “Inter Purok” and “Maximum of 2 Teams per purok” ang maaaring makapag laro both basketball and volleyball.
-Mahigpit pong ipinag babawal ang panonolicit ng mga player para sa kanilang uniform, If may mag Sponsor po sainyo ng pampagawa okay lang po basta hindi mag solicit!
-Sa mga gustong mag pagawa ng uniform/jersey maari po kayong makipag usap kay kuya Jaybee De Guzman ng DGS Clothing and Apparel.
-Hindi po inuubliga na magkaroon ng uniform/jersey dahil makakapag laro po kahit wala po nito. Kayo po ang bahala kung gusto niyo magpagawa o hindi basta po bawal manolicit para sa uniform/jersey!
-After po ng meeting sa weekend ay mapag uusapan na kung kailan uupisahan ang basketball and volleyball cup handog ng TEAM OGIE/TEAM JERO
Panatilihin po natin ang pag sunod sa kung ano po ang napag usapan ng TEAM OGIE/TEAM JERO! inuulit ko po ito po ay laro laro lamang na handog ng TEAM OGIE/ TEAM JERO Sana po ay wala na pong makulit at pasaway para sa ika aayos ng lahat!
Maraming salamat po! 🤗