10/05/2022
Congrats po BOKAL Atty. E-K Almero
Noong tayo po ay nagsisimula pa lamang sa laban na ito, lagi natin sinasabi na ang laban ko ay laban natin lahat. Kaya ngayong araw, sa atin pong pormal na proklamasyon bilang isang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, inaalay ko po ang tagumpay na ito sa ating mga kababayan.
Sa lahat po ng aking ka pamilya, kaibigan, volunteers, supporters, religious groups at mga naniniwala sa aking kakayahan at adbokasiya, at sa lahat po ng nag tulong tulong sa aking paglalakbay, maraming maraming salamat po!
Asahan niyo po na susuklian po natin ng mahusay, malinis at tapat na paglilingkod sa ating bayan at sa ating lalawigan ang inyong binigay na pinaka importanteng pagtitiwala.
Maraming maraming salamat po! 💚
Atty. E-K ALMERO
Board Member - Elect