16/03/2024
π£ππππ§ππ | Abangan mamayang ala una ng hapon ang Road Bike Challenge na iikot sa Circumferential Road simula sa MMAD Restaurant - Barangay Poblacion, papuntang Busay, Lanas, Pinamihagan at magtatapos sa MMAD.
May tatlo itong kategorya:
Junior Men under 23 years old
Youth Men under 17 years old
Open Elite Men 24 years old & above
Bukas (Linggo), ay may dalawang pakarera ng Mountain Bike, una ay pakakarera ng mga batang may edad na 13 pababa sa ganap na alas onse (11) ng umaga sa Barangay Poblacion at magsisimula sa MMAD papasok sa kalye ni Gng. Tisay Sergantes papuntang Public Market, liliko sa kalye ni Gng. Pura Fontamillas papuntang Catholic Church, liliko sa kalye ni Gng. Gloriosa Casimero papuntang Adventist Church, diretso na pabalik sa MMAD.
Samantala, sa ala una ng hapon ay may walong (8) kategorya sa Mountain Bike na pakarera at ito ay ang mga sumusunod:
JUNSEN - 21-29 years old
Veterans - 30-39 years old
Junior Men - 17-20 years old
Youth Men - 14-60 years old
Masters - 40-49 years old
Club - 50 years old
Women (Open)
Open Elite Men
Magsisimula ito sa MMAD, papuntang Sitio Lindero at lalabas sa Barangay Lanas (Pablo's Bakery), liliko na naman pakaliwa sa daan na papuntang Pakol subalit liliko pakanan papuntang Tinap-an Coastal road hanggang Blessel's Store at liliko pakaliwa sa RHU Lanas papuntang Sea Wall at lalabas sa bahay ni Gng. Antonette Martirez, liliko pakaliwa papuntang Sinungtan at Maglahob Coastal Road, lalabas sa National Road diretsong inihawan at liliko pakanan papuntang Inihawan Elementary School papasok sa Sitio Bulaluhan at lalabas sa National Road (malapit sa tangke ng tubig) ng Barangay Busay diretso ng Barangay Poblacion (liliko sa daan paSDA Church) hanggang sa makabalik sa MMAD.
Makiisa tayo sa mga aktibidad ng ating kapyestahan at ang kooperasyon ng bawat isa ay kailangan.
Gayon din sa mga motorista, may mga alagang hayop na kung maaari ay isecure po muna natin ang ating mga alaga na hindi makakaapekto sa daan para sa tagumpay ng dalawang araw na pakarera ng bisekleta.