Kaypian NHS-Athletics Club

Directions

Kaypian NHS-Athletics Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kaypian NHS-Athletics Club, Sports Event, Sitio Looban, Kaypian Proper, San Jose del Monte.

09/08/2026
31/05/2026

PALARO STORIES | Gintong Medalya, Bangka para sa Ama

Halos dalawang taon nang nanghihiram ng bangka ang ama ni Jhon Laurence Espaldon matapos wasakin ng bagyo ang sarili nilang bangka—dagdag na hirap para sa pamilyang umaasa sa pangingisda para mabuhay.

“Nanghihiram lang po si Papa ng bangka kasi nasira po sa bagyo ‘yung bangka ni Papa, kaya ‘yun ang bibilhin ko ‘pag nakuha ko ang incentives,” sabi ng 17-anyos na atleta mula Bulusan, Sorsogon. “Para may sarili na po siyang magamit para sa amin.”

Kaya sa bawat hagis ni Laurence sa kanyang unang sabak sa 2026 Palarong Pambansa, hindi lang medalya ang nakataya.

“Mahirap po yung nanghihiram lang kami kasi kapag nasisira, kailangan mo pang bayaran at ipagawa,” dagdag pa niya.

Sa kanyang debut sa Palaro, nagtala siya ng 62.48 meters sa javelin throw — isang bagong personal best at bagong Palaro record. Bago ang kompetisyon, nasa 54 meters pa lamang ang kanyang pinakamalayong bato.

“Hindi ko po ine-expect na mananalo ako,” aniya.

Ngunit para kay Laurence, higit pa sa medalya ang athletics; daan ito para mabigyan ng mas magandang buhay ang kanyang pamilya. Pangarap din niyang mabasag balang araw ang SEA Games record na 72.93 meters na hawak ni Danilo Fresnido mula pa noong 2009.

Sa ngayon, hindi lang simbolo ng tagumpay sa sports ang kanyang gintong medalya, kundi pag-asa rin na balang araw, hindi na kailangang manghiram pa ng bangka ang kanyang ama.

24/01/2026

Address

Sitio Looban, Kaypian Proper
San Jose Del Monte
3023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaypian NHS-Athletics Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category