05/05/2024
Nuvista Basketball Club SEASON 3 40UPS DIVISION
Kuya Roy May Protesta sa Default Time
TEAM C TINAKASAN ANG TEAM A, 85-83
Kasabay ng pagbida ng magandang official new red jersey ng Nuvista Basketball Club, tinakasan ng Team C ang minamalas na Team A upang sungkitin ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagpapatuloy ng Nuvista Basketball Club Season 3 40 Ups Division na ginanap sa Iona Basketball Court.
Non-stop na salaksak sa loob ang ginawa ni versatile forward/Center Jerry "The Taiwanese" Suhillo na humataw ng game high 33pts at 11rebs para sa Team C upang tanghaling Best Player of the Game. Solidong suporta rin ang ibinigay ni papawis senior veteran Abijah "Boss Nipa" Meshullemeth na may 11pts at shooters William "Chewy" Chua at Jeffrey "The Bread Master" Manalang na may tig-10 puntos.
Pinangunahan naman ni forward Andrew "Marmol" Calumba ang Team A matapos kumana ng 22pts at 8rebs na sinuportahan ni point forward Toti "Sweet Potato" Pascua na may 19pts at 4asts at Manuel "Brown Chinito" Matrimonio na may 14pts at 6rebs subalit hindi ito sapat para pigilan ang paglubog ng Team A sa 0-3 kartada.
Maganda ang pasimula ng Team A matapos ang jumper ni papawis master Roy "The Violent Shooter" Rodjel at inside offense ni Calumba para sa 25-15 abante sa unang quarter. Subalit nagshift ang momentum sa 2nd quarter nang magsimulang magdomina si Suhillo para sa 9-0 run. Tuluyan nang kinuha ng Team C ang abante matapos ang set shot ni Junlhey "John Wick ng Nuvista" Bermoy subalit nakapuntos pa si Leonard "Kaway" Espeleta para isara ang manipis na 38-37 abante para sa Team A.
Pukpukan pa ang naging laban sa 3rd quarter nang magpalitan ng puntos ang bawat koponan. Bagamat nakailang open shots, bigong maka-convert si Rodjel para sa Team A habang ang matinding hustle naman ni Rommel "The Caramel" Lopez ang naging sandigan ng Team C para tumabla sa 59 papasok ng huling quarter.
Maganda ang ex*****on ng Team A sa pasimula ng huling quarter gamit ang offensive firepower nina Calumba at Pascua subalit inangkin ni Suhillo ang quarter nanh magtumpok ng personal best na 17pts. Tuluyan nang naiwan ang Team A matapos ang back-to-back jumper ni Manalang. Ilang mintis ni Matrimonio at kulang sa energy sa paghabol ang nagsadlak sa Team A sa pagkatalo.
Samantala, may protesta naman si Rodjel sa Team C dahil ito ay dumating lagpas ng default time. Dumating ang Team C ng 15mins at 1secs na lagpas ng isang segundo sa default time.
TEAM C (85) - Suhillo 33, Meshullemeth 11, Chua 10, Manalang 10, Daquioag 8, Lopez 7, Garcia 3, Bermoy 3, Andaya 0, Nayomi 0
TEAM A (83) - Calumba 22, Pascua 19, Matrimonio 14, Espeleta 10, Dela Cruz 10, Acapulco 4, Punzalan 2, Rodjel 2