09/09/2023
Isang mahirap na bata si Mia na nangangarap na maging abogadi balang araw. Pero sadyang kay lupit ng tadhana dahil pagkatapos niya ng highschool ay wala silang kakayahan na makapag -aral siya ng kolehiyo. Kahit ganun ang nagyari, hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa na makapag-aral ng kolehiyo.
Lumuwas siya ng Maynila para makipagsapalaran sa buhay. Naghanap siya ng trabaho para maypang-bayad siya ng kolehiyo at matustusan ang kanyang pangangailangan. Nakahanap naman ng trabaho si Mia. Nagtatrabaho siya sa umaga at pag gabi naman ay pumapasok siya sa pampublikong paaralan sa kursong gustong-gusto niya, ang pag-aabogado. Kahit nasa pampublikong paaralan siya ay may malaking bayarin at hindi niya kinaya ang mga gastos, hindi na kasya ang kanyang pang araw-araw na pangangailangan sa kanyang sahod. Kaya huminto muna siya sa pag-aaral, at nag desisyong mag-iipon muna siya.
Para kay Mia, hindihadlang ang kahirapan sa pag-abot ng kanyang pangarap. Kaya naghanap ng ibang trabaho si Mia na mas Maganda at Malaki ang sahod. Namasukan siyang katulong sa mag-asawang Filipina at Amerikano. Maayos naman ang trabaho ni Mia sa mag-asawa, mabait ang kaniyang amo, nang mapag-usapan nila ang buhay ni Mia, nasabi din niya sa kanyang amo tunkol sa kanyang pangarap na makapag-kolehiyo at makapagtapos ng abogasya. Mapalad naman si Mia dahil nag handog naman ang kanyang amo na pag-aaralin siya ng kolehiyo kapalit ng pagsisilbi niya sa kanila. Sobrang saya ni Mia sa nangyari kaya nagpapasalamat si Mia sa kanila dahil matutupad na rin ang kanyang pangarap.
Nag sipag at minabuti ni Mia ang kanyang pag-aaral para makatapos na siya sa ng kolehiyo sa pag-aabogasya. Nag-aaral siya Mabuti, hindi niya sinayang ang oportunidad na binigay ng tadhana sa kanya. May mga pagsubok din siyang dinaan pero hindi iyon hadlang sa kanyang pag-aaral.
Nakatapos si Mia sa pag-aaral bilang Cum Laude, dahil sa sipag at tiyaga niya. Laking pasasalamat niya sa kaniyang amo dahil pinag-aral siya ng kolehiyo. Ngayon, isa na siyang sikat na abogado sa kanilang lugar. Sinabi ni Mia sa kanyang sarili na kahit gaano kahirap ang buhay, basta’t gusto mo ang isang bagay, magagawa at makukuha mo iyon kung pagsisikapan mo ang mga ito.