19/01/2025
- Obra, Panulat creator share wisdom talata through
Sa Piling MO ( Diyos)
Simplengkompositor:Josef Kristian Bautista
Minsan sa buhay natin may oras na maraming katanungan
Bakit ba ganito ang nangyayari ? Pwede bang di ganyan
Mas madalas karamihan ay pinanghihinaan
Heto ang masakit mababalitaan mong susuko na lamang
Saan nga ba dapat kumuha ng lakas?
Kahit na alam na ang mundo ay puno ng dahas
Maraming nagkalat pang mga ahas
Manatiling lumalaban at huwag mong isiping tumakas
Pwede mong sabihin madali lang bigkasin
Ngunit ito ay nangangailangan ng dasal na taimtim
Ang kalakasan ay galing sa Panginoon
Siyang iyong gabay mula noon hanggang ngayon
Unang hakbang ay ang pagtanggap
Bilang ang Panginoon Hesus Kristo ay tagapagligtas
Mula sa nakaraang panahon hanggang sa hinaharap
SIYA ay naging matuwid , tapat sa pangako at patas
Sa Piling MO Panginoon ako'y walang pangamba
Hindi ang salapi, kapangyarihan o kahit katanyagan ang aking sasandalan
Dahil kapag humantong ka sa iyong kamatayan
Ngingiti ka lang at magwiwika baon ko ang buhay na walang hanggan
Obra, Panulat @ Musika creator
Josef Kristian Bautista
Have a bless day sa lahat