13/06/2026
Sa muling pagdating ng tag-ulan, mahalagang maging handa sa anumang hamon na maaaring idulot ng kalikasan. Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsasabuhay ng Operational Excellence, isa sa mga pangunahing Core Values ng LINKED Group, isinagawa ang Water Search and Rescue (WASAR) Training para sa mga Emergency Response Teams (ERT) na nakatalaga sa aming kliyente, ang Maynilad Water Services, Inc.
Layunin ng pagsasanay na higit pang palakasin ang kanilang kaalaman at kasanayan sa flood preparedness, rescue operations, at personal safety upang masiguro ang maagap, ligtas, at epektibong pagtugon sa oras ng emergency. Higit pa sa pagbibigay ng seguridad, sila ay hinuhubog upang maging mga responder na maaasahan sa pagprotekta sa buhay at komunidad.
Sa pamamagitan ng patuloy na paghahanda at pagsasanay, mas napagtitibay natin ang ating kakayahang tumugon sa sakuna at pangalagaan ang mga tao at pasilidad na ating pinaglilingkuran.