28/08/2026
One of the most promising fighters who caught the attention of International promoters. He trains under the TEAM TRIBU BANWAR headed by coach Erwin Tagure. The camp is based in Tabuk, Kalinga Province.
Thank you Arvin Sui Generis for bringing honor for the Philippines.
Thank you for the recognition given for our athletes' achievements ☝️🙏
fans
SPORTS
BALBALAN FIGHTER ARVIN SABADO, NANALO NG SILVER MEDAL SA Siamyut Global Heritage Muaythai Championship 2026
TABUK CITY, Kalinga — Nagwagi ng silver medal si Arvin Sabado ng Salegseg, Balbalan, Kalinga sa Professional Muaythai division ng Siamyut Global Heritage Muaythai Championship 2026 na ginanap sa Samut Songkhram, Thailand mula Agosto 4 hanggang 12.
Kinatawan ni Sabado ang Pilipinas sa international competition bilang bahagi ng delegasyon na nagpakitang-gilas din sa iba’t ibang divisions. Nasungkit ni Joseph Lim ang 88-kilogram championship belt at gold sa Pro-Am Muaythai, habang nag-gold sina Michael Rimando at Erexter Taligan sa Waikru Doubles at si John Carlo Balbido sa Amateur Muaythai. Nakapag-uwi rin ang delegasyon ng silver at bronze medals sa Pro-Am, Waikru at Professional divisions.
Sa panayam ng Guru Press, ibinahagi ni Sabado ang hirap ng pagbabalanse ng kanyang pag-aaral, trabaho at pagsasanay sa combat sports, lalo na noong siya ay nasa kolehiyo. Bilang working student, kailangan niyang pagsabayin ang kanyang academic responsibilities at training at may mga pagkakataong naisip niyang itigil ang isa sa mga ito. Gayunman, hinikayat siya ng kanyang coach na ipagpatuloy ang dalawa, hanggang sa makapagtapos siya nang walang failing grade o pagkaantala sa kanyang pag-aaral.
Ayon kay Sabado, karaniwang naglalaan ang kanilang koponan ng isa hanggang dalawang buwan ng masinsinang paghahanda bago ang mga pangunahing kompetisyon. Nakatuon ang kanilang training hindi lamang sa physical conditioning kundi pati sa mental preparation, na mahalaga umano upang manatiling kalmado at nakapokus ang isang fighter sa loob ng ring.
Binigyang-diin niya na maaaring maapektuhan ng labis na pressure at stress ang performance ng isang fighter, kaya kasinghalaga ng physical fitness ang mental readiness. Nagbigay rin sa kanya ng mahahalagang karanasan at aral ang kanyang laban sa Thailand na balak niyang gamitin sa mga susunod na kompetisyon.
Matapos ang kanyang international debut, umaasa si Sabado na mabibigyan muli ng pagkakataong makalaban sa ibang bansa. Nais niyang pagbutihin ang kanyang paghahanda at pagtuunan ng pansin ang mga aspetong sa tingin niya ay kailangan pa niyang mapaunlad upang makamit ang ginto.
Nagpasalamat si Sabado sa pagkakataong katawanin ang Kalinga at Pilipinas sa international stage. Para sa fighter mula Salegseg, Balbalan, ang silver medal sa Thailand ay hindi lamang isang tagumpay kundi isang hakbang patungo sa kanyang mas malaking layunin—ang makapag-uwi ng gold medal sa kanyang susunod na international competition.