22/05/2026
Mental Health Awareness Month man o hindi, mahalagang paalala na ang mental health ay kasing halaga rin ng ating physical health. ❤️
Sa dami ng pinagdadaanan natin araw-araw, huwag nating kalimutang magpahinga, makinig sa sarili, at magbigay ng oras para sa ating kapayapaan ng isip. Hindi kailangang laging “okay” — at walang masama sa paghingi ng tulong kapag kailangan.
Ngayong huling linggo ng Mental Health Awareness Month, sana ay mas piliin nating maging mabait hindi lang sa ibang tao, kundi pati sa ating sarili.
Isang paalala para sa lahat na “Hindi mo kailangang dalhin mag-isa ang lahat.”