11/12/2025
Isang matagumpay na ML Tournament ang aming naidaos noong December 8, 2025 sa ERNA, at buong puso kaming nagpapahayag ng aming pasasalamat sa lahat ng nagpaabot ng kanilang suporta upang maisakatuparan ang programang ito. Taos-puso po naming pinasasalamatan sina
Kgwd. Irene de Mesa, Kgwd. Onat Quijalvo,
Kgwd. Marlene Sedenio, at ang ating
SK Chairperson Mary Dane Malate sa kanilang suporta at ibinahaging tulong para sa Kabataan ng ERNA.
Ang inyong kabutihang-loob ay naging mahalagang susi sa tagumpay ng aming programa sa araw ng Fiesta ng
Immaculate Conception.
Dahil sa inyong kooperasyon at kabutihang-loob, naging maayos, masaya, at matagumpay ang aming aktibidad upang mabigyan ng magandang karanasan ang mga kalahok at manonood.
Mula sa Erna Youth Organization, lubos naming pinahahalagahan ang tiwala at suporta na inyong ipinagkaloob. Maraming salamat po! 🤍