30/09/2026
Magbibigay ang The Patrons Sports Central ng karagdagang 25 benepisyaryo para sa proyektong ito.
Naniniwala kami na ang mga ganitong klaseng proyekto ang higit na dapat suportahan—mga programang tunay na nagbibigay ng oportunidad at direktang nakakatulong sa ating mga kabataan at komunidad.
Mabuhay kayo, SK Mabbie Peñalosa at SK Ezrael Aguirre ! 👏
Saludo kami sa inyong dedikasyon at malasakit sa kabataan. Patuloy nating suportahan ang mga programang may tunay na layunin at magandang epekto sa komunidad. 🏀❤️
⛽️ 1 LITRO, 1 MUNTING TULONG!⛽️
Bilang pakikiisa at pagtulong sa ating mga kababayan sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na dulot ng digmaan, ang ating mga butihing SK Kagawad na sina Mabbie Penalosa at Ezra Aguirre ay magsasagawa ng isang munting Fuel Assistance Program para sa 100 kabataang residente ng Barangay San Bartolome.
Ang bawat mapipiling benepisyaryo ay makatatanggap ng 1 litro ng unleaded gasoline para sa mga kabataan o kabataang may magulang na ang pangunahing hanapbuhay ay:
🏍️ Tricycle Driver
🛵 Delivery Rider
🏍️ Motorcycle Taxi Rider
Ang simpleng tulong na ito ay paraan ng ating dalawang SK Kagawad upang kahit papaano ay makatulong sa dagdag-gastos sa pang-araw-araw na paghahanapbuhay ng ating mga pamilya. Kasabay rin ito ng pagdiriwang ng kanilang kaarawan na isang espesyal na okasyong pinili nilang ibahagi sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong sa kapwa.
💛 Munting tulong, malaking ginhawa.
Sapagkat ang tunay na pagdiriwang ay mas masaya kapag may natutulungan at may napapasaya.
📢 Mahalagang Paalala:
• Ang nasabing tulong ay limitado lamang sa unang 100 indibidwal na makakapag-register sa ating Google Form.
• Ang mga kwalipikadong aplikante lamang ang makatatanggap ng claim stub na kinakailangan upang ma-avail ang fuel assistance.
• Unleaded gasoline lamang ang uri ng gasolinang ipamimigay.
• Ang claim stub ay may bisa lamang sa loob ng dalawang (2) araw mula sa petsa ng distribusyon.
• Kinakailangang dalhin ang claim stub at isang valid ID sa oras ng pag-claim.
Dito magparehistro: 🔻🔻🔻
https://forms.gle/gpZDZXcYGkaAbXq29
To be announce po ang lokasyon kung saan ipamimigay ang stub ng 100 na naunang magparehistro.