24/10/2025
COMEBACK PLAYER OF THE YEAR? Pwera bati, maganda nga ang nilalaro ni Ginebra wingman Jeremiah Gray sa gumugulong na Philippine Cup at isa nga ito sa mga important pieces sa rotation ni Coach Tim. Nagpakita nga ito ng mga impresibong performance sa unang tatlong laro ng Ginebra. Kung wala ito sa line up at hindi nag step up sa pagkawala ni Jaimie Malonzo siguradong mas mahihirapan ang Barangay.
Coming off a major injury at lengthy recovery period, malaking tulong nga rin ang pino-provide na impact sa opensa at depensa ng 6'5 Forward ng Gin Kings. Masyado pa ngang maaga para sabihin pero, kung magtutuloy tuloy nga ang magandang pinapakita nito ay hindi malabong tanghaling Comeback Player of the Year ito pag katapos ng 50th season. Isang award na minsan na ring napanalunan ng mga former Ginebra superstars Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Mike Cortez at LA Tenorio.
Pero higit sa award o championship, ang ating hiling nga mga kabs ay sana manatiling healthy si Jeremiah Gray at di muling sumapit ng malalang injury. Keep up the good work Miah! 🙏
Kayo mga kabs, ano ang masasabi nyo sa magandang pinapakita ngayon ni Jeremiah Gray mga kabs? 🤔