25/08/2023
kapag ganito ang panahon napakasarap umakyat, parang walang kapaguran, maraming panganib ding kabalikat.
karamihan sa mga umaakyat ngayon ay ayaw na ayaw ang ganitong panahon, "maulan" , pero dapat yakapin mo ang ganitong sistema ng Pilipinas - sa ganito ka dapat masanay dahil taga-dito ka.
sa ganitong panahon din nasusubok ang iyong sarili, nasusubok sa larangan ng pamumundok.
gaano ka ba kahanda? gaano ka ba ka flexible?
gaano mo maiaangkop ang sarili mo sa mga "perilious situations"? nakahanda ka ba ma-istranded?
sa ganitong panahon din nasusubok ang mga kagamitang pinagbibili natin, mula sa pananamit hanggang sa pantirahan. ang iyong kakayahang pangkusina ay nasusubok din.
sa mga handang sumuong sa ganitong panahon nawa'y kayo'y preparado, sa pisikal, sa mentalidad at emosyonal. nawa'y magamit ninyo ang mga kaalaman ninyong naiipon.
sa aking pananaw, sa larangan ng pagmumundok ay hindi ka nag iisa, be prepared and plan sa mga kasama natin, execute those plans into actions, prepare also other plans kung di aakma ang mga orihinal na plano.
may mga bagay na hindi natin natutuhan sa mga "paid tours", walang mga pre-climb preparations yan, kaya dapat nag iinitiatibo tayo sa ganitong bagay - hindi natin obligasyon iyon, bagkus ay isang responsibilidad.
na-mimiss ko na ma sugatan, madulas, lamigin, kabahan, at maramdaman yung takot, hindi takot sa kamatayan bagkos takot na maiiwan mo ang mga mahal mo sa buhay, yung pagbaba mo you will feel essence of life again.
Happy trails sa mga aakyat ngayong tag-ulan.
di ako yung tipong pipigilan ang isang akyat dahil sa panahon, pinapayuhan ko lang na maging handa sa mas mahirap na pag-ahon.