Lilok Foundation, Incorporated

Lilok Foundation, Incorporated PAGSASANAY TUNGO SA TRANSPORMASYON (Training for Transformation)

Kami po sa Lilok ay kasamang nananalangin para sa ating bayan at para sa buong mundo upang masugpo ang pagkalat ng Coron...
10/03/2020

Kami po sa Lilok ay kasamang nananalangin para sa ating bayan at para sa buong mundo upang masugpo ang pagkalat ng Corona Virus Disease – 19 (COVID-19). Ipinapanalangin namin lalo na ang mga mahihirap na komunidad na maituturing na mas nasa panganib sa pagkalat ng sakit na ito. Patuloy po nating abangan ang mga updates sa kasalukuyang sitwasyon, mga paraan kung paano maiiwasan at mga hakbang kung sakaling apektado tayo o ang ating mga mahal sa buhay.

Gabayan nawa tayo ng Diyos at pagpalain sa ganitong sitwasyon.

Heto ang ilang mga links na makakapagbigay ng mga importanteng impormasyon sa pagharap natin sa COVID-19:

https://covid19ph.com/?fbclid=IwAR1XrBZwzdaRe0z4ky2m40mthWgIQZNDip1727OKIrxp3lyG_5Y_ewh-PfA #.XmW2BukRIbw.facebook

https://www.doh.gov.ph/2019-nCov/advisories

Mula po sa amin sa Lilok, isang pagbati ngayong panahon ng Kapaskuhan! Nawa ay maalala nating higit ang kahulugan ng pag...
24/12/2019

Mula po sa amin sa Lilok, isang pagbati ngayong panahon ng Kapaskuhan! Nawa ay maalala nating higit ang kahulugan ng pagsilang ni Kristo sa kabila ng pagiging abala at pagbili ng mga regalo.

Kapayapaan at pagpapala!

08/11/2019

Noong Setyembre 14, 2019, ginanap ang 25th anniversary forum ng Lilok Foundation na pinamagatang “Looking Back, Forging Ahead with Jesus”. Dinaluhan ang gawaing ito ng mga kaibigang organisasyon, mga dati at kasalukuyang mga board, staff at mga kalahok ng mga
programa, at mga taong nakasama ng Lilok noong nag-uumpisa pa lamang ito.Sinariwa sa gawaing ito ang mga kwento ng pagsisimula at dahilan ng pagkakatatatag ng Lilok at sama-samang inalam ang mga posibleng gawin at tahakin ng organisasyon sa mga susunod na hamon ng panahon.

Maraming salamat sa mga kalakbay na dumalo at patuloy na naniniwala at sumosoporta sa mga ginagawa ng Lilok!

On September 14, 2019, Lilok held it’s 25th anniversary forum titled “Forging Ahead, Looking Back with Jesus” at Rejoice Family Church, Quezon City. The event was attended by networks, former and current board members, staff and participants of its programs and people who journeyed in its early years. In this event, Lilok community remembered its early years and its reason for being and explored possible activities and directions of the organization for the coming years.

Thank you so much to all who participated in this event and to those who believe and support Lilok.

Magandang araw po mga Kalakbay! Sa September 14 po ay gaganapin ang Lilok Forum. Sa event na ito ay babalikan ang mga un...
06/09/2019

Magandang araw po mga Kalakbay! Sa September 14 po ay gaganapin ang Lilok Forum. Sa event na ito ay babalikan ang mga unang taon ng Lilok, dahilan ng pagkakatatag nito at mga taong nakasama sa paglalakbay. Bibiyang diin din sa gawaing ito ang mga posibleng tahaking direksyon ng Lilok sa mga susunod na panahon ayon sa pangangailangan ng mga komunidad. Tara na't samahan nyo po kami! Pwede rin po kayong magdala anumang maari nating pagsaluhan

Pagpapalang lubos!

Magandang araw mga Kalakbay! Ang Lilok Foundation Inc. ay makikiisa sa Global Climate Strike na mangyayari mula Septembe...
22/08/2019

Magandang araw mga Kalakbay! Ang Lilok Foundation Inc. ay makikiisa sa Global Climate Strike na mangyayari mula September 20-27. Ang Global Climate Strike ay isang pagkilos upang tawagin at pakilusin ang mga leaders ng Pilipinas at ng buong mundo upang aksyunan ang lumalalang krisis sa klima kung saan nakataya ang kabuhayan at kinabukasan lalo na ng mga mahihirap at mga kabataan.

Naniniwala ang Lilok na dapat aksyunan ang krisis sa klima dahil nais ng Diyos na alagaan natin ang mundo upang mamuhay rin ng maginhawa ang mga susunod na salinlahi.

Hinihikayat namin lalo na ang mga kabataan upang sumali sa mapayapang pagkilos na ito. Kung kayo po ay interesadong sumali ay magsend lamang ng message sa fb page na ito.
Pagpapala at Kapayapaan! :)

ONE MONTH TILL THE GLOBAL WEEK OF ACTION!

On September 20th and the rest of the week, join us, the Filipino youth all over the Philippines for the global . We’ll strike for the health & safety of our families, our homes, our lives, for the environment and for our future! 🌏✊🇵🇭

The time for talk is over. Hundreds of thousands of us will take to the streets lobbying, demanding our politicians take bold action on the !

Interested to join the movement or organize a strike in your community? Send us a message!

Magandang araw po mga Kalakbay! May Family Enrichment po na gaganapin sa Sakahang Lilok, Tanay, Rizal. Ang Family Enrich...
09/08/2019

Magandang araw po mga Kalakbay! May Family Enrichment po na gaganapin sa Sakahang Lilok, Tanay, Rizal. Ang Family Enrichment na ito ay para sa mga mag-asawa, magsing-irog at nagbabalak magpakasal. Ito ay upang mapagyaman ang relasyon ng mag-asawa sa pamilya at sa isa’t-isa. Bukas din po ito para sa mga singles. Kung kayo po ay interesado o may katanungan. kontakin lang po kami sa mga numbers sa photo. Pagpapala at kapayapaan!

Noong Mayo 25, 2019 ay ipinagdiwang ng komunidad ng Lilok ang pagtatapos ng mga kalahok nito sa mga programang Certifica...
18/06/2019

Noong Mayo 25, 2019 ay ipinagdiwang ng komunidad ng Lilok ang pagtatapos ng mga kalahok nito sa mga programang Certificate in Youth Work, Alternative Learning System at Certificate in Wholistic Ministry sa SB TESDA BLDG, U.P. Campus, Diliman, Quezon City. 4 ang tumanggap ng Katibayan ng Pagdalo mula sa CYW, 8 ang nakakuha ng Katibayan ng Pagtatapos at isa ang nakakuha ng Katibayan ng Pagdalo mula sa ALS at 10 ang nagtapos sa programa ng CWM. Ang naging tema ng programa ay PUSO - Palakasin ang Usaping Sosyal at Organisasyon. Dinaluhan ito ng mga kalakbay ng Lilok mula sa iba't-ibang simbahan at organisasyon. Nagperform din ang mga nagsipagtapos ng mga special numbers na tumatalakay sa mga napapanahong isyung panlipunan. Nagwakas ang programa sa sayaw panalangin na "Blessing Dance" at ibinalik ang pasasalamat sa Diyos sa pagtatapos ng mga kalahok at pagbabasbas sa kanila sa bagong kabanata nila at pagpapatuloy ng kanilang pagkatuto sa buhay.

On May 25, 2019, Lilok community celebrated the graduation of Certificate in Youth Work, Alternative Learning System and Certificate in Wholistic Ministry participants. The event took place at SB TESDA bldg., UP Campus, Diliman, Quezon City, Philippines. 4 participants received Certificate of Attendance in CYW, 8 received Certificate of Completion and 1 Certificate of Attendance in ALS, and 10 graduated from CWM. The theme of the graduation was “PUSO – Palakasin ang Usaping Sosyal at Organisasyon (Strengthen the Conversations on Social and Organizational Issues. The event was attended by co-journeyers of Lilok from different churches and organizations. The graduates also performed special numbers that tackles current social issues. The program was ended by “Blessing Dance”, giving thanks to God for the life of the graduates and blessing them on their new chapter in their lives.

Maraming salamat po sa mga kalakbay na dumalo ng Community Gathering! Nawa po ay maibahagi natin ang mensahe ng pag-ibig...
04/12/2018

Maraming salamat po sa mga kalakbay na dumalo ng Community Gathering! Nawa po ay maibahagi natin ang mensahe ng pag-ibig, kababaang loob at katarungan ni Kristo ngayong Pasko :).

Noong Nobyembre 3, 2018, nagconduct ang Lilok Foundation ng isang forum na may pamagat na "Lumolobong Halaga, Bumababang...
07/11/2018

Noong Nobyembre 3, 2018, nagconduct ang Lilok Foundation ng isang forum na may pamagat na "Lumolobong Halaga, Bumababang Barya" na tumalakay sa napapanahong isyu ng inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Naging tagapagsalita si JC Castillo ng Labor Education And Research Network (LEARN) kung saan pinaliwanag nya at pinasimple ang inflation at ang mga epekto nito sa pangkaraniwang mamamayan. Nagbigay rin ng Theological Reflection patungkol sa inflation si Former Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Dinaluhan ito ng mga kalahok mula sa iba't-ibang komunidad na partner ng Lilok Foundation.

Address

#31-B Mabuhay Street, Barangay Central, Diliman
Quezon City

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 6pm

Telephone

+6324264774

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lilok Foundation, Incorporated posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Lilok Foundation, Incorporated:

Share