29/04/2026
Hindi ako si THE BULL kung hindi dahil sayo… ikaw lang naman ang natatanging naniwala sa mga panahon na ako’y nag uumpisa pa lang. ikaw ang nagmulat sa mga baguhang bilyarista na pwede kaming umangat at mangarap. Proud ako na naging parte ng BUGSY promotions at bitbit ko ang masasaya at magagandang ala-ala na pinagsamahan nating lahat.
Maraming salamat Ninong sa malaking opportunity na naibigay mo sa akin. Wala ako sa magandang kalagayan ko ngayon kung hindi dahil sayo. Panalangin ang tanging hiling ko para sayo at sa buong pamilya mo. Hanggang sa muli Ninong may utang pa akong burger sayo … 🙏🏼