05/08/2022
" PUSO NG BAYAN "
Matagal na akong nakikiramdam sa pulso ng "puso ng bayan" tungkol sa sitwasyon ng basketball sa Piliinas.
Ako ay dalawampu't apat (24) na taon na ngayon. Ako ay isang Basketball Skills Trainer. Nagumpisa akong mamulat sa mundo ng basketball sa murang edad hanggang sa maglaro bilang point guard sa isang division 3 na eskwelahan na may magandang programa sapagtuturo ng Organize Basketball or basketball na may systema. Mula pa noon ay tinitingala ko na ang mga manlalaro sa PBA, UAAP, NCAA at lalong lalo na sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas.
Minsan ko ding pinangarap na makapaglaro sa pambansang koponan, ngunit napagisip isip ko na masyado akong maliit para dito, dagdag pa ang patuloy na pag angat ng lebel ng laro at pagsibol ng mga mas malalaki at potential na mga gwardiya. Kaya't minarapat ko na lamang na dito manatili, sa pagiging Basketball Skills Trainer.
Sampung taon ang nakalipas ng matunghayan ko ang laro ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa 2013 FIBA Qualifers kung saan nakamit ng pambansang koponan ang panalo at ito ang ating naging ticket upang makapaglaro sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.
Mahilig ako sa Facebook at Google, mahilig din ako sa history, kaya inaral ko at natuklasan ko na bago mag 2010 ay walang wala tayong laban sa international basketball. Dati pala ang tawag sa nagtataguyod ng basketball sa bansa ay Basketball Association of the Philippines ( BAP ), kaya lang panay nakatulog tayo sa pansitan ng international basketball ng maraming dekada. Ang huli nating qualification sa world cup ay noong 1974 pa. Hindi ko na bibilangin ang 1978 World Cup dahil tayong Pilipinas ang host at qualified na tayo agad sa walong koponan na maglalaro. Sa madaling sabi ay pang walo tayo 1978 world cup sa maynila.
Doon sa Spain nabuo ang Gilas Pilipinas Basketball na " PUSO ", kaya ito ang titulo ng aking Page na "Pusong Pilipino".
Bilang isang coach nais kong isiwalat sa lahat ang kuro-kuro tungkol sa basketball ng Pilipinas. Sa nakaraan, kasalukuyan, at sa hinaharap.
Humihiling ako na maglahad kayo ng inyong mga kumento upang magkaroon tayo ng "Constructive Discussion" at matinong usapan. Ang aking hangarin ay makatulong sa pagunlad ay pagpanalo ng Pilipinas sa World Cup at Olympics sa larangan ng basketball. Hindi man ako makatulong sa pambansang koponan bilang manlalaro, ginagawa ko ito dahil ako isang Pilipino at mahal ko ang larong basketball.
Napansin ko na pagkatapos ng 2014 FIBAWorld Cup sa Espanya, nagtuloy tuloy na ang paglakas ng ating pambansang koponan. Marami na tayong mga matatangkad na manlalaro at nagpap**ita na ng buong suporta ang PBA o Philippine Basketball Association sa Gilas Pilipinas. Maganda sana itong pangitain ngunit ang buong Asia at buong mundo pala ay naglalakihan din ang mga manlalaro at naghahanda din ng husto kaya naman ang Samahang Basketbol ng Pilipinas - SBP na pumalit sa BAP ay naghahanap na ng mga pilipinong manlalaro na nakatira sa ibang bansa. Karamihan dito ay sa America at may "dual citizenship" ng Filipino-American. Sa kasamaang palad, ang "FIBA rules on eligibility" para sa mga dual citizens, ay naghahanap ng Philippine Passport bago dumating ang manlalaro ng (16 years old), kakaiba at unique na panuntunan ito sa larangan ng sports. Hindi ganito sa football, volleyball o sa boxing at sa iba pang sports. Pilipino na tayo sa pamantayan ng konstitusyon ng Pilipinas ay hindi padin tayo makakalaro sa international competition kung wala tayong passport sa edad na labing anim.
Napansin ko na habang tayo ay nananalo sa international games ay magaganda at mababangong salita ang makikita natin sa social media, at kung natatalo naman ang ating koponan ay hindi na masyadong maganda ang ating mga nagiging kumento tungkol sa ating mga manlalaro at coaching staffs. Natural lang kaya ito o isang itong aberasyon ng pilipino? Nangyayari din kaya ito sa ibang bansa? Maihahalintulad natin ang ating mga manlalaro sa mga sundalo na kapwa pinaglalaban ang karangalan ng Pilipinas. Sa isang kathang-isip na giyera na pinadala natin ang mga sundalong Pilipino upang ipagtanggol ang ating bansa, at kung mas malakas ang armas ng mga kalaban sa atin at tayo ay matalo, sisisihin ba natin ang ating mga sundalo at ang mga opisyal dahil dito? Diba ang isang Pilipino ang kagitingan ng ipinaglaban ng mga sundalo natin, kaya nga natin ipinagdiriwang ang "Fall of Bataan" kahit talo tayo ay taas noo nating binabantayog ang mga sundalong lumaban doon. Ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas ay ganun din, nang tayo nananalo sa mga laban lubos ang pagdiriwang natin dahil kahit mas malakas ang kalaban ay napuksa din natin sila gamit ang "PUSO".noong natalo ang Gilas sa SEAG sa Vietnam, nalungkot tayo dahil ngayon lang tayo nakatikim ng talo makalipas ang maraming dekada, nalungkot din tayo ng matalo ang mga Pilipino noong WWII sa Bataan, pero ibinagbunyi padin natin ang katapangan ng mga Pilipino. Sana ganoon din pag matatalo tayo sa basketball. Tignan natin ang ang katapangan at pagmamalasakit ng Pilipino Basketball Player na buong puso niyang pinagtatanggol ang karangalan natin, karangalan ko at karangalan mo na isang Pilipino.
Sana mag-comment kayo at sama sama nating talakayin ang puso ng manlalarong Pilipino at mas Importante at puso ng makabayang Pilipino.
Photo from: FIBA