15/10/2023
Kami pong mga kabataan ng sakop ng base 4 unit 5 na gustong gusto na po makapaglaro at mga iba pang tao na gusto na maglaro sa court ng adarna pasilip-silip hindi namin alam kung kelan bubuksan at kung kelan kami makakapaglaro at makapagpapawis nananawagan po kami sa sk ng aming sakop na sana kami ay matulungan na mabuksan at muling makalaro sa court at sana'y wag nating hayaan lahat ng kabataan maligaw ng landas
Ika nga ng karamihan "MAG BOLA WAG MAG DROGA" at sana pag nagbukas na ang court babaan ang bayad sa pailaw tuwing gabe dahil hindi naman lahat ng kabataan abot kamay yung halaga na kanilang pinapabayad at pag kami ay nagkukulang sa bayad ng ilaw ni minsan hindi nila binibigyan ng konsiderasyon pag kami ay nagkukulang.Sana po mabigyan kami ng pansin sa aming karapatan na muling makapaglaro ulit at kung makikita nyo ang court ay puno na ng alikabok meaning matagal na tong hindi nabuksan.Salamat po ng marami 💖🫶