31/08/2026
Hot take: Hindi kulang sa talent ang mga batang Pinoy. 🇵🇭
Mas madalas, kulang sila sa tamang physical foundation—lakas, balance, coordination, mobility, at conditioning—bago sila sumabak sa sunod-sunod na training at kompetisyon. 🧐
Mahalaga ang skills, pero hindi sapat ang galing sa laro kung hindi handa ang katawan. Ang isang malakas, mahusay gumalaw, at well-conditioned na atleta ay mas may kakayahang mag-perform, mag-recover, at manatiling healthy habang tumatanda. 📈
Parents and coaches: Bago natin dagdagan ang training, nabibigyan ba natin ang mga batang atleta ng sapat na paghahanda, pahinga, at tamang suporta? 🤔