12/06/2026
BREAKING: FACEBOOK DOWN GLOBALLY - CNA
MALAWAKANG OUTAGE TUMAMA SA FACEBOOK AT INSTAGRAM; MGA USER SA PILIPINAS AT IBANG BANSA, NAKARANAS NG ABERYA
BREAKING: Nakaranas ng malawakang pagka-aberya ang Facebook at Instagram matapos mag-ulat ang mga user sa ibaโt ibang bahagi ng mundo ng problema sa pag-access sa mga platform nitong Biyernes. Kabilang sa mga bansang naapektuhan ang Pilipinas, Singapore, India, Australia, Canada, at Estados Unidos.
Sa Pilipinas at iba pang lugar, iniulat ng mga user ang biglaang paglabas ng error messages, hindi pag-load ng feeds, problema sa pag-login, at pansamantalang pagkawala ng access sa Facebook app, website, at Messenger. Batay sa outage tracking platforms, nagsimulang dumami ang reports bandang alas-9 ng gabi sa Singapore. Bagamaโt ilang serbisyo ng Meta ang nanatiling gumagana, wala pang detalyadong paliwanag ang kumpanya kaugnay ng sanhi ng outage. Ito ay kasunod ng mga naunang global disruptions na tumama rin sa Facebook at Instagram nitong mga nakaraang buwan.
Source: CNA
APA Citation:
Channel News Asia. (2026, June 12). Facebook and Instagram suffer global outage. CNA.
12 June 2026 | PHILIPPINES WATCH