19/10/2026
A SUCCESSFUL 21KM COMMUNITY RUN | MARIKIT RUNNERS CLUB x JAMAICA MINIMART 25TH ANNIVERSARY
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na 21KM Community Run ng Marikit Runners Club, in collaboration with Jamaica Minimart in celebration of its 25th Anniversary!
Mahigit 100 runners ang nakiisa at nakibahagi sa makabuluhang running event na ito. Ang inyong suporta, dedikasyon, at passion sa running ang naging susi sa tagumpay ng ating programa.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng runners na naglaan ng oras at lakas upang makiisa sa ating community run. Maraming salamat sa Jamaica Minimart sa tiwala, suporta, at pakikipagtulungan sa Marikit Runners Club upang maging posible ang event na ito.
Isang malaking pasasalamat din sa lahat ng MRC members sa kanilang dedikasyon, teamwork, at walang sawang pagsisikap sa paghahanda at pagsasakatuparan ng aktibidad. Gayundin, maraming salamat sa ating mga photographers sa kanilang oras, effort, at husay sa pagkuha ng mga makabuluhang sandali at alaala ng ating running event.
Higit pa sa distansyang ating tinakbo, ipinakita ng event na ito ang tunay na diwa ng pagkakaisa, pagkakaibigan, at pagmamahal sa running community.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat! Sama-sama tayong tumakbo, magkaisa, at lumikha ng mas marami pang makabuluhang running experiences.
Congratulations, everyone, and happy 25th Anniversary, Jamaica Minimart!