27/08/2026
Importanteng leksyon na natutunan ko sa buhay.
Sa kahit anong bagay na papasukin mo, advantage ang may nagtuturo syo kung ano gagawin mo base sa tamang kaalaman.
Kung beginner ka sa pag punta sa gym, may dalawang option ka, una magpaturo sa isang certified coach para maguide ka at mabigyan ka ng tamang program. Pangalawa, pwede ka namang mag DIY na lang, mag research sa google kung ano ang pwedeng gawin. Base sa experience ko, may mas malaking chance na mareach mo ang fitness goals mo kung may personal trainer ka kumpara sa nag google. Matuturuan ka kasi ng personal coach mo ng tamang paraan, pagkain at form. Kaya para sa akin, mas maige ang may nagtuturo syo.
Ganun din sa negosyo. Kung naguumpisa ka pa lang sa papasukin mo na gym business, pwede kang maghanap ng magtuturo sa inyo paano ito patakbuhin, base sa natitunan nila sa successful nilang gym business. Or, pwede ka naman mag DIY na lang, mag search sa internet kung paano magpatakbo ng sariling gym business. Baka may mas malaking chance kung may nagcocoach din syo paano magpatakbo ng sarili mong gym business. Dito sa Gym Depot tinutturo namin sa clients namin, mula sa pagkuha ng permit, at may formula kami kung paano nacocompute ang tamang presyo para sa gym mo ng di nanghuhula, may formula kami paano malaman ang marketability o demand pa jan sa lugar nyo, may formula din kami kung ilang tao ang kasya sa gym mo. Natuturuan din namim paano magpatakbo ng gym business.
Important note, di magagarantiya ng gym business ang success mo. Wala sa gym business ang sikreto kundi nasa mga taong nagpapatakbo at paano ito pinatatakbo. Kagaya ng ibang negosyo, ang gym business ay pwedeng kumita at pwede ding malugi.
Importante ang may alam...
Di po ako fitness coach :-)
Gym business coach po ako :-)