13/07/2022
Kung around 300 pesos ang one way na taxi or Grab mula bahay to office, nakatipid na kami ng estimate 3,000 pesos per week. Which means, higit kumulang 12,000 pesos a month or 144,000 pesos a year. Bukod pa diyan ‘yung mga side trips kagaya ng pagpunta sa groceries, banko o kaya coffee shops.
Kung mag-kotse naman, siguro mas mataas pa ‘yung gastos kasi bukod sa gas, may bayad pa ang parking at maintenance ng sasakyan.
Taxi ‘yung ginamit naming basehan kasi point-to-point transportation kagaya ng pamimisikleta. Hindi kagaya ng jeep, bus or train na madaming hinto or may designated na babaan.
Pero siyempre, gusto namin ng magandang bike para mas kumportable ‘yung biyahe. So ‘yung natipid namin eh pwedeng merong napupunta sa upgrade at bicycle maintenance… or sa bagong bisikleta.
Follow us on Instagram: Instagram.com/firstbikeride