31/05/2026
Welcome to NU GVT Xyze
https://www.facebook.com/share/1Ci25mts3L/?mibextid=wwXIfr
ISANG PAALAM, ISANG TAGUMPAY ๐ข
Hindi napigilan ang emosyon ni XYZ at ng buong Team Caraga matapos ang kanilang laban sa Palarong Pambansa 2026. Luha ng saya at lungkot ang sabay na bumuhosโdahil sa pagtatapos ng isang yugto at simula ng panibagong landas.
Kasama ang kanyang mga kakampi, lalo na si Ramos, pinatunayan nila na ang tunay na laban ay hindi lang nasusukat sa gintoโkundi sa puso, sakripisyo, at samahan na kanilang binuo sa loob ng court.
Ito na ang huling laro ni XYZ para sa Caraga, bago siya tumulak sa Luzon upang ipagpatuloy ang kanyang volleyball journey sa National University (NU). Bitbit niya ang alaala ng bawat laban, bawat sigaw ng suporta, at bawat panalo at pagkatalo na humubog sa kanya bilang isang atleta.
Sa kabila ng pamamaalam, nagtapos sila na may dangalโbitbit ang ๐ฅ BRONZE MEDAL sa Secondary Girls Volleyball.
Padayon gihapon among suporta kay XYZโour future UAAP star ug garbo sa Nasipit!
Isang paalam na puno ng pasasalamat.Isang alaala na hindi malilimutan.Isang pangarap na magpapatuloy.
Padayon, XYZ. Padayon, Team Caraga.