07/05/2026
🚨 NAKAKAGULAT NA PANLOLOKO SA TANZANIA 🇵🇭
SALUDO SA ISANG TUNAY NA MANDIRIGMA!
Malaking saludo kay Christian “Natoy” Legane at Coach Chandler Jumamoy.
Sa araw ng laban, pinaglakad sila nang malayo dahil “nasira” ang sasakyan. Hinassle, tinakot, at kinuha pa ang passport nila.
Pero ang pinakamalupit — NILASON SILA sa mismong araw ng laban!
Pinalamanan ng pampatulog ang kanilang pagkain. Naging sobrang antok at mahina si Natoy at ang iba pang boxers kontra sa mga taga Tanzania.
Kahit halos hindi na makabukas ang mata, pumasok pa rin siya sa ring. Sinunod ang payo ni Coach Chandler na lumaban kahit ilang minuto lang para makauwi silang ligtas.
Hindi pa umabot sa isang round, agad silang dinala sa ospital at sinaksakan ng dextrose.
Hindi biro ang kanilang pinagdaanan.
Ito ay kwento ng pandaraya, tapang, at tunay na tibay ng Pilipino.
SALUDO PO KAMI SA INYO, COACH NATOY AT COACH CHANDLER! 🙏💪
Paalala sa lahat ng Pinoy fighters:
Mag-ingat. Pumili nang mabuti ng promoter. Kaligtasan muna bago ang lahat.
I-share para makita ng lahat. 🔥
Games and Amusements Board games_and_amusements_board