24/11/2024
Pasasalamat sa Lahat ng Sumusuporta sa Under 16 Basketball Cup ng Centro Basketball
Malugod po kaming nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at sumuporta sa matagumpay na pagsasagawa ng Under 16 Basketball Cup ng Centro Basketball. Ang tagumpay na ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong mga malasakit na kontribusyon at pagsuporta.
Isang espesyal na pasasalamat ang nais naming iparating kay Barangay Captain Bayogo, SK Chairwoman Mortela, at iba pang opisyal ng Brgy San Carlos at sa lahat ng mga nag-donate, pati na rin kina Mr. Ordonio Mr. Valdez at sa lahat ng mga nagreferee at committee sa inyong walang sawang pagtulong at suporta sa ating mga kabataan. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay nagbigay inspirasyon sa lahat ng nakilahok at tumangkilik sa kaganapang ito.
Sa mga manonood, mga volunteers, at lahat ng hindi nabanggit, ang inyong pagdalo at suporta ay naging mahalaga sa tagumpay ng event na ito. Ang inyong pagkakaisa at pagtulong ay nagsilbing pundasyon sa pagpapalago ng sports at pagkakaisa sa ating komunidad.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa sports, at maghatid pa ng mas maraming tagumpay para sa ating mga kabataan!
SEE YOU NEXT SEASON!
Centro Basketball Team