18/06/2026
Til next run π
https://www.facebook.com/share/1BKLARMqDK/?mibextid=wwXIfr
Nagpakitang-gilas ang mga miyembro ng Solid Barretto Runners at LGU Subic Runners matapos matagumpay na makumpleto ang 1st Navy Trainers Marathon 2026.
Ipinahayag ng grupo ang kanilang pasasalamat kay Coach Ryan Adam sa paggabay at inspirasyon, gayundin kina Melissa Rodolfo, Greiz Molina, at Anna Leonora para sa kanilang walang sawang suporta. Binati rin nila ang Miranda Mtess at Miranda Run Events para sa matagumpay na pagsasagawa ng marathon.
Naging daan ang aktibidad upang maisulong ang malusog na pamumuhay, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok sa sports sa komunidad.
πΈ: Solid Barretto Runners