29/08/2026
Madalas akong magpopost sa My Day tungkol sa workouts ko, sa ginagawa ko sa gym, at sa mga clients ko. Alam ko may mga nanonood at nagbabasa—hindi nagre-react o nagla-like, pero minsan bigla na lang magcha-chat: “Hi Ate Cla, gusto ko magpatrain sayo. Gusto kong ayusin ang katawan ko. Matagal na kitang sinusubaybayan, nahihiya lang ako. Hindi ko alam paano magsimula, paano ang diet… ngayon lang ako nagka-lakas ng loob para mag-umpisa.”
Kaya alam niyo ba? Kapag nagpo-post ako, alam kong may mga tahimik na sumusubaybay—ginagawa akong motivation. May mga nagsasabi rin na puro “paseksi” lang ang mga post ko. Pero hindi niyo alam: ang pagpo-post ko ng workouts ay hindi lang para sa magandang katawan. Para ito sa kalusugan—lalo na sa ating mental health. Sobrang laking tulong nito sa atin.
Sa panahon ngayon, hindi na pera ang tunay na labanan. Ang tunay na labanan ay ang pagiging malusog at pagkakaroon ng kapayapaan ng isip. Kasi kung wala ‘yun—sira ang buhay natin. Kung wala ‘yun, paulit-ulit lang ang routine, laging bagsak, walang pagbabago. ‘Yan lang talaga ang mahalaga. 💛💪