04/09/2025
Kasabay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025 (LNK), inaanyayahan ang lahat na makiisa at magpakita ng suporta sa Sports Fest 2025 na idaraos mula Setyembre 5-7, 2025.
Sa patimpalak na ito, tampok ang mga manlalarong kabataan mula sa iba’t ibang bayan, na magtatagisan ng lakas, galing, at talino sa iba’t ibang larangan ng palakasan at kumpetisyon. Ito ay magsisilbing pagkakataon upang palakasin ang samahan, disiplina, at pagkakaisa ng kabataang Mindoreño.
Mga Paligsahan na Dapat Abangan:
🏐 Intertown Volleyball (Men and Women)
🏀 Basketball 3x3
🏸 Badminton
♟️ Chess
🔤 Scrabble
🎲 Game of the Generals
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin hindi lamang ang pisikal na kakayahan, kundi higit sa lahat ang pakikipagkaibigan, sportsmanship at pagkakaisa ng bawat kabataan mula sa iba’t ibang bayan.
Tara na at maging bahagi ng isang makabuluhan at makulay na selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025 – Sports Fest!