02/06/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ฒ๐จ ๐๐, ๐๐๐๐ I ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ฅ๐๐ง ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐๐ฒ๐ฆ๐ง๐๐ฌ๐ข๐ฎ๐ฆ
Sa pagpapatuloy ng Volleyball Friendship Game sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Nagcarlan sa pamumuno ni Punong Bayan Ark/Inh Elmor Vitangcol Vita at Pamahalaang Bayan ng Cavinti sa pamumuno ni Punong Bayan Arrantlee Arroyo ay dito naman isinagawa sa Nagcarlan Municipal Gymnasium ang laro sa pagitan pa rin ng Nagcarlan Volleyballโs Team laban sa Cavinti volleyballโs Team.
Unang muling nagharap ng gabing iyon ang Nagcarlan Womenโs Volleyball Team laban sa Cavinti Womenโs Volleyball Team. Naipanalo ng Nagcarlan WVT ang laban, 4 sets to 1 laban sa Cavinti WVT. Sumunod naman ang laban sa pagitan ng Nagcarlan Menโs Volleyball Team na nanalo laban sa Cavinti Menโs Volleyball Team na umabot hanggang limang (5) sets. Masayang masaya naman nanood at nakiisa sina Punong Bayan Elmor Vita at Punong Bayan Arrantlee Arroyo ng gabi iyon kasama ang mga manonood.
Pasasalamat naman ang ipinaabot ng Youth and Sports Development Office โ Nagcarlan sa pangunguna ni Youth Development Officer I Patrick P. Sollorano sa Municipal Youth Development Office โ Cavinti sa pangunguna ni Gng. Cefrie Mesina Benerayan na naging katuwang sa pagsasagawa ng ganitong aktibidad. Gayundin ang pasasalamat ng Pamahalaang Bayan sa Public Information Office na naghatid ng live coverage ng laro at kila Konsehal Laurence M. Sombilla at Konsehal Kemp Bueno na tumayong coach sa Nagcarlan Volleyball Teams.