06/10/2025
CHESS TRAINING FOR KIDSπβοΈπͺπ»π
*For Serious Kids and Parents Only*
--Kailangan hilig at gusto talaga ng bata ang larong chess hindi yung napipilitan lang o ang parents lang ang may kagustuhan.
--Kahit anong edad pwede mag batang lalake o babae, mas ok kung loner sya at hindi hyper. Magaling sa math isa sa advantage.
--Supportive ang parents na kayang palaruin anak nila saan man na tournaments dito sa Pilipinas pagni-required ng coach.
--Susunod ang bata at parents sa coach sa lahat ng mga rules and discipline para sa ikatitibay ng anak nila sa chess.
--Hindi pwede ang spoiled na bata at may attitude problem at super kulit.
-Ika career ng family ang chess para sa anak nila.
--May goal ang parents pati anak nila na gumaling sa chess anu man ang mangyari (push to the limit).
--Gusto ng coach sa parents na gagawin ang lahat gumaling lang anak nila sa chess.
--Rigid ang training at istrikto tayo sa bata hindi yung bini-baby natin na kunting pagod lang o antok gusto na kaagad pagpahingahin o patulugin.
--Wala na dapat ibang sports na sinasalihan ang bata kundi chess lang.
--Pang national at international ang target natin sa bata na magsisimula sa mababang level.
--Payag ang parents sa istrikto na coach na magpapasakop sila sa sistema na willing pagalitan anak nila kapag mali at hindi sumusunod.
--Hindi pwede ang pang summer purposes lang, tuwing christmas vacation lang, tuwing sembreak lang o libangan lang at kapag malapit na ang mga palaro ng DepEd saka lang magmamadali na magpa-train.
--Continous dapat ang training dahil hindi naman nakukuha o nadadala sa madalian na parang magic katulad ng days lang, weeks lang o months lang ay ok na. Years po yan and continous parang nagaaral rin sa school.
--Kailangan mag aral na kumain ng lahat ng klase ng gulay kung dati hindi at ayaw kumain.
--Kung mataba ang bata kailangan na mag exercise at mag diet para hindi lang mentally fit kundi physically fit pa.
--Pag ang anak nyo ay babae tapos gusto nyo mag chess sya ay huwag ninyong hubugin o ilapit man sa mga extra curricular activities na nagsusuot ng mga damit na maiiksi na para bagang magrarampa katulad ng mga models, majorettes at bar girl. Kundi turuan natin habang bata pa na magsuot ng mahinhing damit upang paglaki nila ay dala-dala nila ito sa buhay. Tandaan chess player po ang anak natin hindi burlis queen.
--Hindi pwede na kaya lang gusto ipa-train ng parents anak nila dahil gusto lang i-divert from mobile games to chess kahit hindi naman talaga hilig ng bata ang laro.
--Bawal ang addicted sa gadgets na mga online games kasi totally ipapaalis yan ng coach katulad ng mga larong ML, Roblox, DOTA, Call Of Duty, Mindcraft, Point Blank etc kasi droga yan sa mga bata na pweding makasira o makaapekto sa academics at sa chess.
--Bawal ang softdrinks at junkfoods.
--Bawal ito sa mga parents at players na kapag napagsabihan o mapagalitan lang ng coach dahil mali sila sa sistema para sa anak nila ay ayaw ng sumunod sa coach at magtatampo na.
--Anu man katungkulan ng parents sa buhay maging teacher ka man, judge, police, doctor, principal, lawyer, engineer, architect, technician, mason, karpintero, tubero, driver etc, hindi pwede na kayo ang masunod sa gusto ninyong training lang sa anak ninyo.
--Sa mga parents na dating players noon o active players ngayon na nag mamarunong o nag aalam-alaman sa training at pinakikialaman training system ng coach ay bawal. Ang dapat nyong gawin ay mag assisst na lang sa kinuha nyo na coach.
--Huwag mag marunong ang parents sa coach kapag ang anak nila ay may kunting naaabot na o gumagaling na sa laro.
--Sa coach lang maniniwala hindi sa kanino pa man basta tungkol sa chess training ng anak nila dahil sya ang mas nakakaalam kung paano pagagalingin anak nila sa chess.
--Pag ang bata natatalo sa laro hindi dapat panghinaan ng loob o madisgana man ang parents sa anak nila na parang gusto nang patigilin na mag chess ang bata. Natural lang na may natatalo at may nananalo. Dapat ay lalong i-encourage natin na lumaban at bumangon uli ang bata.
--Kailangan i-update ng parents ang coach kapag meron gustong salihan na tournament o kapag may gustong makipaglaro na player na hindi kakilala.
--Mabait na family, hindi maselan, sanay sa kahit anong sitwasyon sa buhay na ma-encounter, hindi maarte lalo na ang bata na tini-train at marunong tumanaw ng utang na loob sa coach na tumutulong sa kanila.
--Bawal isisi sa coach kapag natalo ang anak nila sa laro.
--Bawal makialam ang Lolo, Lola, Auntie at Uncle o kahit sino man na kamag-anak sa mga disisyon ng coach sa bata kasi mamamali ang training system ng coach.
--May team tayo kaya dapat marunong rin tayong makisama o makihalubilo sa kapwa parents na kasali sa team.
--Kung may alam kayo na gusto rin na magpa-train dapat nire-recommend nyo rin ang coach nyo sa iba.
--Trust the process lang.
ADDITIONAL UPDATES:
*Priority 7 years old below para.makasali at mapalabas galing ng bata ng maaga para sa mga age group competition
*Pareho lang dapat ang gusto ng parents na training sa anak nila mag elementary man o highschool. Hindi porke highschool na daw kaya limited na ang training dahil marami nang ginagawa sa school
*Bawal sa chicken hearted na parents o bata na kapag napapagalitan ng coach-trainer magdadamdam na
*Sa team may mga biruan kaya alamin muna bago magtampo na parang batang inagawan ng lolipop tapos kalaban na ang coach o ka-team
*Year round po ang training na continous kung talagang gustong gumaling